Chapter 4

142 19 28
                                    

Chapter 4: Pictures

"Long time no see, The Blood Brothers." Sambit noong boss nila.

Napakunot ang noo ko, The Blood Brothers? Ano 'yun?. Parang narinig ko na 'yan pero hindi ko alam kung saan.

Biglang tumunog ang selpon ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si doktora Kalunga.

Medyo lumayo ako sa kanila dahil nag-simula na silang mag-bugbugan."Hello?."

"Aye, na saan ka na?." Tanong ni doktora.

Napakunot ang noo ko."Sa Saturday pa po 'yung punta ko d'yan di'ba?." Tanong ko pabalik.

"Nag-message ako sa'yo na ngayong araw nalang dahil may pupuntahan ako sa sabado." Aniya.

Napapikit ako ng mariin."Ah, pwedeng 11AM na lang po?." Tanong ko, wala naman kaming pasok ngayon dahil holiday.

"Sige, 1PM pa naman closing ko." Sabi n'ya at ibinababa na ang tawag.

Babalik na sana ako kung saan ako naka-puwesto kanina nang may sumakal sa'kin na tali, nabitawan ko rin ang inumin at selpon ko.

Napahawak ako sa tali."Ano, tatawag ka pa ng pulis?." Ani ng sumasakal sa'kin.

"D-doktor 'yun." Nahihirapan kong sinabi.

Mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkaka-sakal."Hindi ako naniniwala sa'yo." Aniya.

Napa-ikot ako ng mata."B-bobo, kailan pa naging pulis ang doktor?." Putcha, mamawalan na nga ako ng hininga sinagot ko pa rin.

"Manahimik ka!" Sigaw n'ya na ikinatingin nila kuya Jax at Ryder dito. Napapikit ako ng mariin, shit! 'Di ako makahinga!.

"Aella!" Sabay na sigaw nila kuya, tatakbo na sana sila sa gawi ko ng harangan sila ng mga tauhan no'ng matandang lalake.

Ngayon ko lang napansin na mas rumami lalo sila, kanina ay mga nasa labing isa sila ngayon ay nasa labing dalawangpu't isa na sila.

Biglang na wala ang pagkaka-sakal sa akin, napatingin ako sa likod."Sorry, late ako." Aniya.

Parang namumukhaan ko s'ya pero hindi ko alam kung saan ko s'ya nakita."Fuck you, Riggs." Mura ni kuya sa kanya.

"What? Atleast dumating ako." Ani Riggs 'kuno', nag-simula na rin s'yang makipag-laban.

"You called him?." Tanong ni Ryder kay kuya.

"Halata naman di'ba?." Bara ni kuya.

Napakunot ang noo ko sa kanila, meron bang nakikipag-tsismis habang nakikipag-away?

"Dapat hindi kayo pinagsasamang dalawa eh." Sabi ni Riggs.

"Shut the fuck up, asshole." Sabay nilang sinabi kay Riggs.

Putcha, ngayon lang ako nakakita ng gan'tong away. Naguhuluhan ako sa kanila, 'di ko alam kung magkakampi ba sila kuya at Ryder o ano eh.

"Kuya, sa likod mo! Ayan! Sige pa!" Nasisiyahan ako sa pinapanood ko."Ryder sa gilid! Sige pa! Suntok pa!" Para akong nanonood ng wrestling dito.

"Riggs, sa likod mo!..... Bobo kuya!, do'n sa likod!..... Tanga mo naman kuya! Susuntok na nga lang sablay pa! Oh, ayan Ryder dali! Suntok! Kuya praktis ka pa!"

Putcha, para akong batang nanonood ng baby tv dito. Pero go lang! Ang saya palang manood ng live action.

"Kuya sa gilid! Galingan mo naman, kuya! Sinuntok ka kuya oh! Payag ka n'yan?! Bawian mo kuya! Go kuya!" Cheer lang ako ng cheer dito habang sila ay nagbubugbugan.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now