Chapter 38

84 3 0
                                    

Chapter 38: S-sorry

Narito ako ngayon sa rooftop habang pinapakalma ang aking sarili dahil mahirap na kapag humarap ako sa kanila ng ganito. May tumatawag sa akin kanina na taga-HQ pero dahil wala ako sa mood ay hindi ko 'yun sinagot dahil baka sagut-sagutin ko sila kahit na taga-HQ pa sila.

Muntikan na nga akong mawalan ng hininga dahil sa kaka-takbo ko habang umiiyak, mabuti nalang at may water dispenser ako nadaanan bago umakyat dito sa rooftop. Hindi ako pwedeng umuwi nang walang paalam dahil isa 'yun sa rules dito.

Ayaw kong makarinig ng kahit sinumang boses, ang gusto ko lang ngayon ay tahimik na kapaligiran. Kung saan hindi ako ginugulo, walang kumakausap sa akin.

Nag-buntong hininga ako atsaka tumitig sa selpon ko nang mag-ring ito ulit, hindi ko sinagot ang tawag dahil alam kong siya 'yan. Ilang beses na kasi siyang tumatawag, dahil naiinis na ako ay pinindot ko ang shut down para wala ng ingay.

Para akong walang buhay ngayon, kakatapos ko lang umiyak dahil kahit ayaw ko man umiyak ay bigla nalang itong tumutulo na parang bukal. Huminga ako ng malalim atsaka pinagmasdan ang tanawin na puno ng ingay ng mga busina ng sasakyan, away ng mga tao, tunog ng tren at kung anu-ano pa.

Nag-buntong hininga ako atsaka tumingala sa langit, ipinikit ko ang mga mata ko atsaka ngumiti ng maliit. Siguro kapag hindi ko nakilala si Ryder ay baka tahimik ang buhay ko ngayon, walang iniintinding problema... walang gulo.

Biruin mo, sa lahat ng lalake sa University ay sa kanya ako nahulog, parang ang hirap paniwalaan na ang mayaman ay nahulog sa isang ordinaryong tao na namumuhay lamang ng tahimik. Mas maniniwala ako kung nahulog ako sa ibang tao at hindi kay Ryder.

"Aella..." natigilan ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

Tumingin ako sa kanya."Oh, boss, anong ginagawa mo rito?" tanong ko na parang walang nangyari kanina.

Mukhang nagulat siya pero kaagad siyang naka-bawi."You... what about you?" Balik tanong niya.

Tumingin muli ako sa tanawin."Nagpapahingin lang, na miss ko kasi 'yung probinsya ni lola," pagsisinungaling ko, magkukunwari nalang akong walang narinig dahil alam kong mag-aaway lang kami.

Umusog akong ng ka-unti nang umupo siya sa tabi ko."You lived in province?" Tanong niya.

Umiling ako."I just live there for few months, then— nevermind,"

Binalot kami ng katahimikan, nanatili akong naka-tingin sa malayo kasama ang aking isip. Para bang may kung anong bumubulong sa akin na umalis na roon at lumipat ng ibang lugar dahil naiilang ako sa presensya niya, nararamdaman kong naka-tingin siya sa akin na mas lalong ikina-ilang ko.

Ramdam ko ring na gusto niya akong kausapin pero hindi niya alam kung papaano, mas mabuti pang manahimik muna ako at magpanggap na parang walang nangyari. Suminghap ako ng hangin atsaka ginala-gala ang aking mga mata ngunit nabasag ang katahimikan ng mag-salita siya.

"Did you hear us?" darestahan niyang tanong, ano sa tingin mo?

Napakunot ang aking noo atsaka tumingin sa kanya."Anong narinig?" Pagkukunwari ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin."At my office, I'm with Kent... you hear us, don't you?"

"Ha? Di kita gets, boss," binigyan ko siyang tingin na naguguluhan.

"I'm not playing around, Aella,"

"Hindi nga kita gets, boss. Ang kulit mo noh?" Taas kilay kong sinabi."Hindi ko nga alam pinag-sasabi mo boss—"

"Stop fucking calling me 'boss"

Napakunot ang aking noo."Edi, sir," ani ko."Sir naman kasi—"

Umiling siya."Don't fucking call me that," ba't siya galit? Di'ba ako dapat ang galit dito?

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now