Chapter 48

61 5 0
                                    

Chapter 48: War

6:26 a.m. : Warehouse

Unti-unti kong iminulat ang aking mga nang may nag-buhos sa akin ng napakalamig na tubig. At dahil din sa tubig na 'yun ay kumirot ang aking kaliwang braso kung saan may tama ng mga bala, napa-daing ako ng malakas sa sakit at hapdi nito.

Ginalaw ko ang aking paa at kamay ngunit parehas itong naka-tali sa upuan na inuupuan ko ngayon. Hinayaan kong mag-adjust ang aking tingin dahil malabo pa ito. Nang makakita na ako ng malinaw ay bumungad sa akin ang demonyo na naka-ngisi habang naka-tayo sa harapan ko.

Nasa isa akong lumang kwarto at sa akin pa talaga nakatutok ang ilaw habang ang magkabilang dulo ng kwarto ay madilim. Paniguradong light bulb lang ang gamit dito. Tss, ang yaman-yaman tapos light bulb ang gamit?

Ibinigay niya ang baldeng pinangbuhos niya sa akin sa tauhan niya. Ngumisi siya."Gising na pala ang prinsesa," aniya.

"Hmmmm..." gusto kong mag-salita pero may tape ang bibig ko. Lumapit siya sa akin atsaka tinanggal ang tape. Inilibot ko ang aking tingin, ito na nga ang warehouse nila."Na saan ako?" Kunwaring nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya."'Wag mo akong inuuto, pamangkin. You know where your are. Akala mo ba hindi ko alam na naglagay ka ng tracker sa isa mga tanga-tangang tauhan ko? Hindi na ako magtataka dahil noong binuhay mo ang anim na tauhan ko. Binali mo lang ang kanilang buto at hindi pinatay, kaya alam ko na kaagad na may plinaplano ka, tama ba?" Ngumisi siya."Gusto mong pumunta rito sa kuta namin para mapatay ako kaagad, at para maka-uwi ka sa punakamamahal mong pamilya."

Sinamaan ko siya ng tingin."Subukan mo silang galawin, ako mismo papatay sa 'yo kapag nakawala ako rito!" Sigaw ko sa kanya.

"Chill, sweetheart. Ayaw kong maubos ang boses mo sa kakasigaw, akala mo siguro ay madadaan ditong tao para tulungan ka. You're so wrong about that part, no one's gonna help you. Why don't you just pray like others do? Malay mo, ako mismo ang tumupad sa 'yo ng mga habilin mo."

"Hindi pa naman ako mamamatay. Kaya anong silbi ng habilin ko kung ikaw ang mamamatay sa ating dalawa?"

Hinawakan niya ang aking panga."Ang yabang mo talaga ano? Nag-mana ka sa tatay mong mang-aagaw. Tignan nalang nating kung hanggang saan 'yang tapang mo." Binitawan niya ang aking panga at binalik ang tape."Pumasok kayo!" May pumasok na dalawang tauhan na walang kahit anong hawak. Napa-kunot ang noo ko."Bugbugin n'yo 'yan pero hinay-hinay lang, may pipirmahan pa 'yan na kontrata."

Pag-labas niya ay lumapit sa akin ang dalawang lalake. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha habang naka-ngisi ang dalawang lalake na nasa harapan ko ngayon.

"Ang ganda mo sana kaso mainit ang ulo sa 'yo ni boss," sambit ng isa.

Inikot ko ang aking mga mata. As if papatol ako sa isang katulad mong chonggoy. Gusto ko sanang isigaw 'yun ngunit naka-tape ang aking bunganga. Lumapit ang isa sa akin atsaka sinikmuraan ako na ikina-ungol ko.

Ngumisi siya."Ang hina mo naman pala. Isang suntok lang sa t'yan ay dadaing na kaagad," masamang tingin lang ang binigay ko sa kanila. Tinanggal niya ang aking tape at sabay na pinag-susuntok ang t'yan ko, napa-dura ako ng dugo.

Putang ina, ang sakit!

Nanghihina na ang katawan ko pero pilit pa rin akong lumalaban dahil hindi pa tapos ang laban ko. Hindi ako pwedeng basta nalamang sumuko at pirmahan ang kontrata! Hindi! Hindi! Ayaw kong mabalewala ang mga pinag-hirapan kong pagsakripisyo at paglayo sa kanila.

Sobrang hapdi na ng kaliwang braso ko marahil ay hindi pa natatanggal ang mga bala na tumama sa braso ko. Isama mo ang pagsuntok nila sa akin at wala pang laman ang t'yan ko dahil hindi ko namang inaasahang gan'to kalalabasan ang plano ko.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now