Chapter 21

81 10 0
                                    

WARNING⚠️: This chapter might not be suitable for young age

Chapter 21: I love you too

Ilang linggo na kaming nag-de-date ni Ryder, minsan ay namamasyal kami, minsan ay nasa bahay lang kami dahil tinatamad akong gumala at tuwing weekends ay nag-tra-travel kami.

First time ko ngang mag-travel dahil hindi naman ako pala-gala, buti nalang at pinapayagan ako ni mama. Si kuya, hindi na umuuwi sa bahay, sabi ni mama ay doon na raw siya tumitira sa apartment.

Linggo na ngayon kaya tamang tambay ako sa condo ni Ryder, nakakabagot na kasi sa bahay. Pagkatapos namin mag-grocery kanina ay hindi niya ako pinapansin kasi may umakbay sa akin kanina, kaya ayun nagseselos siya.

"Hoy! Pansinin mo na ako!" Nakanguso kong sinabi, naka-upo siya roon sa armchair kaya sa arm ng chair ako umupo."Ang gwapo mo.."

"Tss."

Iniling niya ang ulo niya atsaka nag-selpon lang, napataas ang kilay ko ng makitang ka-chat niya si Lara. Kaya naman pala hindi ako pinapansin.

Tumayo ako."Bahala ka nga d'yan." Iritado kong sinabi atsaka umupo sa couch."Hindi rin kita papansinin kala mo, ah." Bulong ko.

Inilabas ko ang selpon atsaka chinat sila Yen, minsan nalang kaming mag-usap dahil nga busy na ang buhay namin. May date minsan ang iba, kaya minsan ay hindi kami kumpleto.

Doktorkwakkwak: Heyoww, whats up! Welkam back to my channel, char! HAHAHA

FlightAttendant: Nauulul ka na naman, tanghaling tapat

Artisttangina: Sana all nauulol

Abogadonggago: Iba pumasok sa isip ko ah HAHAHA

Doktorkwakkwak: 'Yan kasi, nag-anuhan na kayo ni Ares ah

Napatawa ako sa sinabi ni Yen, napansin kong napatingin sa akin si Ryder pero hindi siya pinansin.

FlightAttendant: Ayan ah, ehem ehem!

Artisttangina: Sino kaya 'yung nilagyan ng chikinini tapos walang label?

Abogadonggago: Oo nga, sino kaya?

Napa-awang ang bibig ko, umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Naalala ko naman kung paano ako lagyan ni Ryder ng chikinini sa leeg, putcha.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan kong tumawa ng malakas. Sasabayan ko nalang sila para hindi halata,

Doktorkwakwak: Label, label din pag may time

FlightAttendant: Sino 'yun?

Abogadonggago: Gago, sino 'yun?
Hindi ko kilala pramis!

Doktorkwakkwak: Sino 'yun? Hindi manlang nilagyan ng label

Artisttangina: Si miss FA, tumahimik bigla

FlightAttendant: Good afternoon, ma'am, do you need anything?

Abogadonggago: Ako meron, loadan mo ako, GOSURF200

Artisttangina: GIGA100

Doktorkwakkwak: Pahiram ng utak mo, sumasakit na ulo ko dito sa taenang thesis na 'to
Bakit ba kasi ako nag-doktor?

FlightAttendant: 💸
'Yan na, pa-load na kayo, partida may pakpak pa 'yan
🧠🤯, 'yan utak ko, binuklat ko pa 'yan para sa'yo

Napansin kong tumayo si Ryder at akmang pupunta sa akin pero mabilis akong tumayo atsaka nag-lakad papuntang kwarto niya, isinara ko kaagad ang pintuan.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now