Chapter 47

51 4 0
                                    

Chapter 47: Day 6

After 6 days

"Kamusta?" Kausap ko ngayon sa kabilang linya ang pinapabantay ko sa pamilya ko.

"Ako? Ayos lang naman," napa-iling ako sa sinabi niya. Kumakain ako ngayon habang naka-tambay sa monitor desk."Kaso 'yung tatay ng mga anak mo mukhang hindi okay pero inaalagaan naman ng maigi 'yung dalawa. Nakikipaglaro pa nga ng doll house kay Hera." Natatawa niyang sinabi.

"Mahilig talagang mang-spoiled,"

"Ahh kaya pala ikaw rin ay spoiled,"

Napa-irap ako sa sinabi niya."Ewan ko sa 'yo. 'Yung mga anak ko, anong ginagawa nila ngayon?" Tanong ko ulit.

"Hmm... nakikipaglaro silang dalawa sa ama nila. Naka-upo pa nga sa hita ni Ryder, mukhang nag-bo-bonding silang tatlo. Mukhang okay naman si Raid at Hera kaso nababasa ko sa mukha nila na miss na miss na nila ang mommy nila."

Napa-buntong hininga ako, ilang minutong tahimik sa kabilang linya."Kailan kaya ako makakauwi?" Out of the blue moon kong tanong.

"Ngayon. Ngayon ka umuwi, sabi ng mga espiya ko roon ay maaaring matunton na nila ang tinutuluyan mo ngayon. Kaya umuwi ka na, ilang araw ng bugbog ang katawan mo! Hindi ako malalagay sa tahimik kung hindi ka uuwi ngayon!"

"Hindi pwede, alam mo 'yun. Alam mo ang dahilan. Gusto kong umuwi pero hindi pwede! Wala akong choice, wala ni-isa. Ang pag-uwi ko r'yan ay pwedeng magkaroon ng giyera, walang kinakatakutan ang demonyong 'yun."

"I understand you pero pwede naman natin siyang ipakulong o kaya ipa-ban sa Pilipinas para hindi na siya makabalik dito. Nag-aalala ako sa kalagayan mo, kung makikita lang kita ngayon ay nangangayayat ka na at malaki ang eyebags mo atsaka may galos pa ang iba't-ibang parte ng katawan mo." Tama siya, bugbog ang katawan ko ngunit pinipilit ko pa ring lumaban para sa pamilya ko."Naiintindihan ko rin na para sa amin ang ginagawa mo pero isipin mo naman minsan ang sarili mo, Aella! Huwag puro ibang tao ang iniisip mo! Sa tingin mo ba matutuwa sila tito at tita n'yan sa 'yo kapag buhay sila ngayon?!—"

"Relax, easy. Hindi ako mamamatay ano ka ba, may babalikan pa akong pamilya," pabiro kong sinabi para mabawasan ang pag-aalala niya.

"I'm not joking here, Aye. This is a dangerous situation," sabi niya."By the way, I already told Bryson where you at and where are you staying at. Nag-padala na siya ng mga pulis at agents na naka-stand by lang kung sakaling makuha ka nila. There's no more but's and no more agruing, bantay sarado ka na ngayon."

Ngumuso ako."Nararamdaman ko talaga pagmamahal mo sa akin kahit gan'yan ka. Panira ka talaga ng plano," halos irap kong sinabi.

"Plano?"

"Oo. Hindi ako pwedeng pumunta rito ng walang plano, ikaw lang talaga taga-sira ng plano ko bawat misyon ko."

"Ohh..." napa-tawa siya ng mahina."Sorry about that pero hayaan mo na, we can use that as plan B kapag pumalpak ang plan A."

"Yeah, yeah. Nga pala, naka-konekta na sa cellphone mo ang tracker na nilagay ko sa isa sa mga tauhan. Paki-sabi kay Bryson na mag-stand by muna sa warehouse na 'yun."

"Copy, boss. Ibaba ko na ang tawag, kakausapin ko pa si Bryson na huwag munang dalhin si Ryder kung na saan ka man. Baka kasi masira ang plano at madamay pa siya."

Napa-tingin ako sa isang monitor nang umilaw ito, nakita kong naglalakad-lakad ang mga tauhan ng demonyo sa bayan na para bang may hinahanap. Anong kailangan nila sa bayan? Imposible namang malaman nilang si nanay Alice ang tumulong sa akin dahil alam ng lahat ay mabait ito.

"Hello? Nand'yan ka pa ba? Kung wala ka na ibaba ko na ang tawag—"

"Nasa bayan sila,"

"Bayan? Teka lang—" ilang minutong nanahimik ang kabilang linya pero naririnig kong may kinakausap siya."Ang sabi ng mga pulis na naka-stand by at napagtanungan ng mga tauhan ng tito mo ay hinahanap ka nila at pinapakita ang picture mo. Ang dahilan pa ay galing ka raw sa mental na tumakas noong isang araw." Tumawa siya."Hindi ko alam na may baliw akong kapamilya."

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now