Chapter 19

81 10 0
                                    

Chapter 19: Date

Tinakbuhan ko kanina si Ryder noong nasa open field kami dahil nilagyan na naman niya akong chikinini at ang masama pa don ay nakita kami no'ng guard.

Mabuti nalang talaga at nadala na ako sa ginawa niya, may dala-dala na ako lagi ng concealer para sure. Halos maging kamatis ang mukha ko sa sobrang hiya, talagang mabubugbog ko si Ryder sa inis.

Hindi ko nga alam kung ilang chikinini ang nilagay niya sa leeg ko, basta matakpan lang ito, okay na sa akin. Ito na ang last subject namin kay ma'am Ajero.

"Ma'am! Plus five mo na ako sa test!" Pagmamakaawa ng mga kaklase kong lalakeng nakakuha ng mababang marka sa test.

Pag-pasok kasi rito ni ma'am Ajero ay nag-turo kaagad siya, ang hindi namin alam ay may test. Mabuti nalang at nag-take down notes ako kaya't inaral ko muna saglit ito.

Umiling si ma'am Ajero."Hindi porke mabait ako sa inyo ay sasamantalahin niyo na ang kabaitan ko." Sagot ni ma'am.

"Ohh bars!"

"Na bars si Barcelona!"

"Wala ka pala kay ma'am eh!"

Sigaw ng mga kaklase ko, napa-iling-iling ako at napatawa sa pinagsasabi nila. Mukha silang high schooler sa ginagawa nila.

"Ma'am, plus one nalang, ma'am!" Pagmamakaawa niya.

Umiling si ma'am."0.1 pwede pa." Ani ma'am Ajero, nakasimangot na bumalik si Barcelona sa upuan niya, tumikhim si ma'am."Kindly read the title of the books that i will sent to your emails, kung wala kayong mahanap ng librong pinapabasa ko sa inyo, manghiram nalang kayo sa mga seniors. Goodbye."

Saktong pagkalabas ni ma'am nagsilabasan kaagad ang mga kaklase kong nag-a-announce pa lang si ma'am ay hawak-hawak na kaagad ang bag.

"Buhawi! I-send mo sa akin 'yung mga notes ah?" Paalala sa akin ni Kezy, inikot ko ang mga mata ko at tumango, hindi kasi nakikinig."Babushie na!"

Hindi ko na siya tatanungin kung saan siya pupunta dahil paniguradong di-diskatehan niya si Chase para manghiram ng libro, senior na kasi si Chase, mautak ang gaga.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko, nitong mga ilang araw ay nagtataka ako kung bakit hindi nagpapakita sa amin ang mga Bratenela pero mabuti na 'yun at para tahimik ang buhay namin.

Napataas ang kilay ko ng makitang naka-sandal sa labas si Ryder, kaya naman pala kanina pa tumitingin sila sa labas. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin.

"Finally, your class ended." Saad niya, nararamdaman ko ang bulong-bulungan sa paligid namin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Ngumiti siya."Waiting for my girlfriend." Sagot niya.

Inikot ko ang mga mata ko."Nagbibiro lang naman ako kanina eh." Sabi ko.

Umiling siya."There's no joke for me, baby." Kinindatan niya pa ako.

Iniling-iling ko ang ulo ko at nauna ng mag-lakad, sumabay siya sa paglalakad ko at kinuha ang kamay ko.

Napataas ang kilay ko."Anong ginagawa mo?"

He interwined our hands."Holding my girlfriend's hand." Sagot niya atsaka kinuha ang bag kong dala-dala, okay na 'yun, ang bigat kaya ng bag ko.

Napasinghap nalang ako sa sinabi niya, napatigil ako sa paglalakad ng ma-realize kong hindi pa pala ako nakaka-bawi sa kanya. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"What's wrong?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin."Hindi pa ako nakakabawi sa pag-lagay mo ng chikinini sa leeg ko ah!" Reklamo ko sa kanya.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon