Chapter 7

120 14 4
                                    

Chapter 7: I Think...

"Ayos ka lang ba, Aye?." Tanong ni doktora.

Pumikit ako nang mariin, hanggang sa nawala ang mga imaheng puro blurred."O-okay lang po ako." Sagot ko.

Pag-tingin ko ay ubos na ang mga kalaban, woah! Ang bilis naman nila.

"Lima sa'kin, ilan sa inyo?." Pagmamayabang ni Riggs.

"Apat lang sa'kin! Ano ba 'yan!" Sagot naman ni Hero.

Tumawa si kuya."Ang hihina n'yo naman pito sa'kin, ano? Laban pa?." Nakangising paghahamon ni kuya.

"Maduga ka, tol! Nang-aagaw kasi eh," Reklamo ni Hero.

"Oo nga pero teka, 'wag kang magpaka-chill d'yan." Sabi ni Riggs at tumingin lahat sila kay Ryder."Ilan sa'yo?." Tanong ni Riggs.

"Nine," Maikling sagot ni Ryder.

"Maduga kayo kahit kailan! Ako na lang lagi nanglilibre dito." Reklamo ni Hero.

Nag-tawanan sila maliban kay Ryder."Destiny mo 'yan, pre!" Sagot ni kuya.

"Tanggapin mo na lang kasi na mahina kang nilalang," Pang-aasar ni Riggs.

Napa-iling-iling na lang si Ryder sa kanila."Let's go," Sabi niya.

Lalabas na sana kami ng maalala ko relo."Teka lang." Ani ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa banyo.

Kinuha ko 'yun sa kubeta at tinanggal ang mga tissueng naka-palibot sa relo, kumuha ako ulit ng tissue at pinunasan 'yun. Kinuha ko ang box na nasa likod ng salamin at inilagay doon sa loob ang relo.

"Anong ginawa mo sa loob?." Tanong ni kuya pagkalabas ko.

"May kinuha lang." Maikli king sinabi.

"Shit! Watch out!" Tumakbo sila kuya, Hero at Ryder papunta sa'kin. Tila bang nag-slow motion ang lahat, pagkaharap ko ay papunta sa'kin ang lalakeng naka-hawak sa tagiliran ng t'yan n'ya na may hawak-hawak na kutsilyo.

"Aye!" Sigaw ni doktora.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa'kin para protektahan ako sa pag-saksak no'ng naka-ninja suite na naka-hawak sa tagiliran ng t'yan n'ya."Ugh!" Daing n'ya.

Para akong batong naistatwa."Ryder!" Sigaw ni kuya atsaka pinagbabaril ang lalakeng dapat sasaksak sa'kin pero niyakap ako ni Ryder para s'ya sumalo nang saksak.

"Y-you fool, you should be aware where you walking." Sermon sa'kin ni Ryder.

Hinawakan ko nang maigi si Ryder ng muntikan na s'yang bumagsak."Careful! 'Wag kang masyadong gumalaw." Sabi ko."Sinaksak ka na nga lahat-lahat sinermunan mo pa rin ako! Iba ka rin noh?." Dagdag ko.

Tinulungan ako nila kuya na tanggalin si Ryder sa pagkakayakap sa'kin, naka-akbay si Ryder kila Riggs at Hero. Lumapit sa'kin si kuya."Are you okay?." Tanong sa'kin ni kuya.

Tumango lang ako, this is my fault! Kung hindi lang ako tanga-tanga baka hindi nangyari 'yun."Let's go, masyadong malalim ang saksak ni Ryder." Aya ni Riggs.

Tumingin sa'kin si kuya at inalalayan ako, biglang sumakit ulit ang ulo ko."Ahh!" Daing ko na ikinatingin nila sa'kin.

"Anong nangyayari sa'yo, Aye?." Nag-aalalang tanong ni kuya.

"Oh no! Not again!" Sabi ni doktora.

Napatingin si kuya kay doktora."What's happening? May alam ba kayong hindi ko alam?." Tanong n'ya.

Umiling si doktora."No, it's okay. Mas maganda kung iaalis na natin s'ya sa lugar na ito." Aniya.

"Ahh!" Daing ko ulit, napakapit ako nang mahigpit kay kuya."K-kuya, umalis na tayo rito." Nauutal kong sinabi at napa-hawak sa ulo ko.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon