Chapter 2

189 25 49
                                    

Chapter 2: Distraction

"Halika do'n tayo oh!" Turo ng batang lalakeng sa batang babaeng kasama niya, malabo ang mga mukha nila pero 'yung mukha ng babae ay paniguradong ako 'yun dahil kamukha ko siya.

"Waah! Ang saya naman dito!" Sambit noong babae, nasa harap sila ng dagat ngayon habang naglalaro ng buhangin.

Ang saya-saya nila."When we grow up, i will find you then i will marry you!" Sabi noong batang lalake.

Takte! Ang bata-bata pa nila para pag-usapan 'yan, no'ng bata nga ako no'n hanggang nanay-nanayan at tatay-tatayan lang ako.

"Siguraduhin mo 'yan ha?." Ani batang babae.

Biglang nag-bago ang anyo ng paligid, naging madilim ang langit at malakas na ang alon hindi katulad kanina na mahinanon at maliwanag ang paligid.

"H-help!" Sigaw noong batang lalake na nalulunod.

Napatayo kaagad 'yung batang babae na nanonood sa kanya, dali-daling lumusob sa malalaking alon.

Nailigtas no'ng batang babae 'yung batang lalake nguni't biglang hinatak ng malalakas na alon ang batang babae.

Sa isang iglap lang ay nandoon na rin ako, sinubukan kong lumapit sa batang babae nguni't pinaglalayo kami ng alon.

Kumukulog ang kalangitan, palakas ng palakas ang alon."T-tulong!" Sigaw ko, hindi ko na kaya.

May nakita akong malaking anino sa aking harapan, pag-harap ko kitang-kita ko ang malaking alon na paparating.

Lalangoy na sana ako nguni't—

Napadilat kaagad ako ng dahil sa panaginip na 'yun, hinawi ko ang pawis ko. Tinignan ko ang orasan, alas kuwatro pa lang ng umaga.

Tumayo ako at kinuha ang selpon ko, tinignan ko si Lia na mahimbing natutulog. Lumabas ako sa kuwarto namin at tinawagan ang psychologist doctor ko.

"Hello, Aye? Napaginipan mo na naman ba?." Tanong kaagad ni doktora Kalunga.

Pumunta ako sa balcony para malamig ay simoy ng hangin, umupo ako sa moon chair."Yes, kailan ba 'to titigil?." Tanong ko.

"Didn't i told you to stop thinking that? Past is past, Aye. Don't let the past lose you." Ani doktora, napahigpit ang pagkakahawak ko sa unan."Come to my office at saturday at 8am."

"May tanong po ako." Ani ko.

"What?."

"Bakit kahit pilit ko pong kinakalimutan ang nakaraan ay hindi ko pa rin po makalimutan?." Tanong ko.

Narinig kong nagbuntong hininga si doktora."May oras para d'yan, don't lose hope, Aye. Kahit naka-ilang therapy ka na, lakasan mo lang ang loob mo."

Yumuko ako, tumayo ako mula sa pagkakaupo."Matutulog na ulit po ako, salamat." Ani ko atsaka ibinababa ang tawag.

Nagbuntong hininga ako, papasok na sana ako sa loob ng mag-vibrate ang selpon ko. Tinignan ko kung sino tumatawag, si mommy Fay, ang tita ko.

"Hello? Bakit mommy Fay?." Tanong ko, na sanay akong mommy ang tawag ko sa kanya dahil no'ng bata ako ay siya ang nag-aalaga sa akin.

"Aalis ako ngayon, ipapahatid ko kay Eiñaki si baby. Ikaw muna mag-alaga dahil may pasok si Aki at Bembem at tutal short period lang kayo mamaya." Sambit niya.

Tumango ako."Sige po, anong oras sila dadating?." Tanong ko.

"10am." Sagot ni mommy Fay.

"Sige po."

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now