Chapter 1

299 24 42
                                    

Chapter 1: Encounter

First day of school pero late ako bwiset! Kung hindi ako ginising nila Lia ng maaga baka hindi ako late. And because of something urgent call ay hindi sana ako nagpuyat.

Pagkagising ko ay wala na silang lahat, iniwanan lang nila ako ng pagkain at kakaunti pa! Lagot sa akin ang mga 'yun! Badtrip pa naman ako sa narinig kong usap kagabi pero wala naman akong magagawa kun'di gumawa ng paraan.

Habang pa-akyat ako sa hagdanan ay may bumangga sa akin kaya napapikit ako ng mahigpit akala ko mahuhulog na ako sa hagdanan ngunit naramdaman kong may nakahawak sa aking bewang.

Parang nag-slowmotion ang lahat ng may sumalo sa akin. Napadilat ako, nagulat ako ng sobrang gwapo no'ng nasa harapan ko pero kaagad akong natauhan.

Lumayo ako kaagad sa kanya, pinulot ko ang mga nahulog kong libro. "T-thank you," gulat kong pasalamat.

"Be careful next time," malamig na saad niya at umalis na.

Hindi ko na lang s'ya pinansin dahil late na talaga ako, ugh! Malas ata ako ngayon! Pagkatapos kong mapulot ang mga nahulog kong gamit ay tumakbo na kaagad ako sa second floor.

Napapikit ako ng mariin ng makitang nandoon na ang prof namin, napatingin sa akin si prof. Oreo, cute ng name ni sir 'noh?

"Ms. Swayze, late ka sa first day mo. Hala sige! Pumasok ka na, pagbibigyan kita ngayon." Yumuko ako at bumati kay prof. Oreo bilang galang at nagmamadaling umupo sa bakanteng upuan.

Kinalabit ako ni Lia na nasa likod ko, tinignan ko s'ya at tinaasan ng kilay. "Ba't na late ka?" Tanong n'ya.

Inirapan ko s'ya. "Tanungin mo sarili mo at 'yung nakabangga sa akin, muntik na akong mahulog sa hagdanan mabuti na lang may sumalo sa akin." Inis kong sinabi at saka humarap na sa harapan.

Mag-iistart na sana si sir Oreo ng may pumasok na lalake— teka! Namumukhaan ko 'to ah! S'ya 'yung lalakeng nakasalo sa akin.

Umiimpit ng mga tili ang mga babae na hindi ko alam kung bakit. "Mr. Martinez, late ka na naman sa first day mo," sambit ni sir Oreo.

Hindi sumagot si Martinez 'kuno', dare-daretso lang s'ya at umupo sa tabi ko at sumubsob sa lamesa n'ya. Napabuntong hininga na lang si sir Oreo at nagsimula ng magklase.

Hanggang matapos ang klase ay naka-subsob lang s'ya sa lamesa n'ya, kilig na kilig si Lia na hindi ko alam kung bakit.

"Hoy! Para kang bulate d'yan!" Sita ko sa kanya.

Malawak ang ngiti n'ya nang lingunin ako. "My gosh, Aye! Ang swerte mo!" Kinikilig na sinabi n'ya.

Napakunot naman ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo d'yan?" Tanong ko.

"Nakatabi mo 'yung heartthrob ng school natin!" Impit n'yang tili. "Tapos sa harapan ko pa s'ya umupo!" Dagdag n'ya.

"Heartthrob 'yun?" Tanong ko ulit.

"Gaga! Hindi mo talaga alam?!" Gulat n'yang tanong.

Umiling ako. "Hindi, nakakagulat nga at alam na alam mo," sabi ko.

"Nag-research lang naman ako sa school page at hindi na nakakagulat na hindi mo alam kasi wala ka namang paki-elam sa mga ganyan." Natatawang sagot n'ya.

Ngumisi ako. "Kaibigan talaga kita," sabi ko at inakbayan s'ya. "Libre kita mamaya pero limang piso lang dahil hindi mo ako ginising kanina."

"Limang piso?!" Gulat na tanong n'ya. "Ano namang gagawin ko sa limang piso?!" Tanong n'ya.

"Bili ka kendi," maikli kong sagot at nauna ng maglakad, laglag ang panga n'ya sa sinagot ko.

"Napaka-kuripot mo talaga!" Sigaw n'ya na ikinatawa ko.

Caught By Your Arms(EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora