Chapter 25

101 10 0
                                    

Chapter 25: I love you's

Ilang linggo na ang naka-lipas at lagi ako nakakaramdam ng hilo, tuwing gigising ako ng maaga ay daretso banyo ang punta ko para mag-suka pero wala namang lumalabas.

Walang nakaka-alam nito kun'di ako, hindi ko rin sinasabi kay Ryder dahil busy siya sa terms niya at minsan nalang din kaming mag-kita.Hindi na nga ako maka-pasok dahil sa lagay kong ito, laging half day lang ako dahil lagi akong nahihilo.

At kapag na-aamoy ko ang popcorn at kung ano pang paborito kong pag-kain ay nasusuka ako, hindi ko alam kung bakit gano'n. Kaya't nagpacheck na ako, ngunit ang inirekomenda sa akin ng doktora ay magpatingin daw ako sa OB-gyne.

Tinanong nga ako ni doktora Alvarado, ang doktor ko sa OB-gyne. Kung dinalaw na ba raw ako pero sabi ko hindi pa at baka na-late lang, at ang sabi niya ay kapag hindi raw ako nagka-period ay pumunta raw ako kaagad sa kanya.

Noong tuesday dapat ang dalaw ko ngunit ilang araw ng lumipas at wala pa rin, kaya't nagpakunsulta kaagad ako at ngayon ang lalabas ang resulta.

Kabadong-kabado ako rito sa upuan habang hinihintay si doktora, napatingin ako sa pintuan ng bumukas 'yun. Pumasok si doktora Alvarado habang hawak-hawak ang brown envelope.

Naka-ngiti itong lumapit sa akin atsaka umupo sa office chair niya, inilapag niya ang brown envelope."Ito na ang resulta, iha,"

Kinuha ko 'yun at binuksan, binasa ko ito. Halos umawang ang bibig ko sa nakita ko, 2 lines ang PT at ang iba rin ay positive.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay doktora."Sigurado po ba kayong hindi scam ito?" Duda ko.

Tumawa si doktora atsaka umiling."Hindi ako mang-loloko, iha, I am a professional OB-gyne," pagmamalaki ni doktor.

Nanatiling nakatitig ako sa resulta, b-buntis ako?! Hindi pwede ito! Nangako akong hindi matutulad kay mama, nangako ako! Tang-ina naman. Nanggigilid ang aking luha habang umiiling-iling.

"H-hindi pwede," pabulong kong sinabi, kasunod ng pag-patak ng aking mga luha.

Napa-kunot ang noo ni doktora, tumayo si doktora atsaka hinagod-hagod ang likod ko."Blessings 'yan, iha. Huwag na huwag mong subukang ipalaglag ang mga inosenteng bata," sabi niya.

Napa-tigil ako."M-mga?"

"Hindi ako sure pero pakiramdam ko ay kambal ang dinadala mo," sabi ni doktora, napatigil siya saglit."Nilalagnat ka, iha," nag-aalalang sinabi ni doktora.

Umiling ako."P-po? Okay lang po ako," sabi ko.

Umiling si doktora."Irereseta ko sa iyo ang mga bitaminang kailangan mo, paalala ko lang sa iyo na bawal ma-stress ang buntis. Kaya't ngumiti ka nalang, irereseta ko na rin sa iyo ang pang-lagnat." Sabi niya.

Tumango nalang ako at hindi na sumagot pa, pinunasan ko ang aking luha dahil baka madamay ang bata dahil nga bawal ma-stress ang.... b-buntis.


KAHIT nilalagnat ako ay pumasok pa rin ako para hanapin si Ryder dahil hindi niya sinasagot ang text at tawag ko sa kanya.

"Oh, Aye, akala ko ba half day ka lang? Bakit ka pa rin nandito?" Tanong sa akin ni Hero ng makasalubong niya ako, napakunot ang noo niya."Umiyak ka ba? Pina-iyak ka ba ni gagong Ry?"

Umiling ako atsaka ngumiti ng peke."Wala, na saan nga pala siya?" Tanong ko.

"Uh, nasa dean office ata, pinatawag siya kanina eh," sagot ni Hero.

Tumango nalang ako at nilagpasan siya, nagpatuloy ako sa pag-lalakad kahit nanghihina ako dahil importante ito at kailangan niyang malaman.

Wala pa ako sa dean office ng humaramg si Lara, inikot ko ang mga mata ko. Aalis na sana ako ng humarang siya ulit, tumaas ang kilay niya.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon