Chapter 31

107 8 0
                                    

Chapter 31: The Contract

"My last question is... who are you?"

Hindi ako makagalaw sa tanong niya."A-ano? Sigurado ka bang ako 'yun?" Tanong ko.

Tumango siya, akala ko babalik siya sa inuupuan niya. 'Yun pala ay sa tabi ko siya umupo."The way you talked earlier when you saw my hot body, the way you talked when you blush, the way you talked when you're nervous. I knew all about it," sabi niya.

Tumikhim ako atsaka umusog."Anong kailangan mo sa akin ngayon?" Tanong ko.

Ngumisi siya."Good question," tumayo siya atsaka may kinuhang folder sa desk niya atsaka inilapag sa lamesa."Sign it,"

Napa-kunot ang aking noo atsaka kinuha 'yun para basahin, binuksan ko ang folder. Ang tumambad sa akin ay 'Contract of Trust & Employment'? Mayroon bang gano'n na contract? Trust contract? Sa tanang ng buhay ko ay wala pa akong nakakakita na gano'n.

Binasa ko ito, una pa lang ay halos dumugo na ang utak ko dahil sobrang lalim ng english na naka-sulat. Oo, marunong akong mag-english kaso... iba ito eh, hindi kaya ng level ko ang ganitong kalalim na salitang english.

Pinilit kong intindihin ang naka-lagay kaso sumuko kaagad ako."Ano ba 'tong nakalagay? Masyado namang malalim 'yung english! Wala bang mas madali? I-translate mo kaya ito? Ang sakit sa ulo," reklamo ko pero kaagad akong umayos nang ma-realize ko na wala pala ako sa bahay para gano'n ang tono ko.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina."Even if I explain it to you, you won't understand. So, if I we're you, I would already sign it," saad niya.

Napataas ang kilay ko."Sure ka bang hindi mo ako iniis-scam, sir?" Paninigurado ko.

Tumaas ang kilay niya."I have tons of money, why would I scam you?" Tanong niya.

Hindi ko alam pero may pumipigil sa akin na pirmahan ko iyun, para bang may mali sa contract. Nag-dadalawang isip ako kung pipirmahan ko ba o hindi, nanatili akong naka-tigtig sa kontrata.

"It would increase your salary," aniya.

Napa-tingin ako sa kanya."Talaga?" Tanong ko, tatango na sana siya kaso napa-tigil siya nang makita niya ang itsura ko.

Ang kaninang nahihiyang mga mata ko ay napalitan ng inis dahil alam ko ang galaw niya, anong akala niya sa akin? Uto-uto? Kabisado ko ang bawat galaw ng mga manloloko.

Tumikhim siya."It's just your salary increases, you'll work less than an hour. You won't need to work overtime because your work would be easier," sabi niya.

Nawala ang inis sa aking mga mata atsaka tumingin muli sa kontrata."Sige na nga," kinuha ko ang ballpen na nasa lamesa atsaka pinirmahan iyun.

"Nice choice," naka-ngisi niyang sinabi atsaka kinuha sa akin ang kontrata."You may continue your work now,"

Kahit naguguluhan ako sa inaasta niya ay tumayo na ako."Good bye, sir," bati ko atsaka lumabas na.

Pagkalabas ko ay puno ng mga tanong ang aking ulo, hindi ako makapag-isip ng maayos kanina dahil para talaga akong naging bato kanina at tikom na tikom ang aking bibig na para bang naka-stapler ito.

May amnesia siya? Iniling ko nalang ang aking ulo atsaka ngumuso, ang dami-dami ko na ngang gagawin tapos makiki-sabay pa 'yun? Ugh! Ayaw ko na talaga na, di bali, bukas ay gagaan na rin ang trabaho ko kasi 'yun ang nakalagay sa kontrata.

Humugot ako ng malalim hininga atsaka nag-lakad pabalik sa opisina ko, pagkaupo ko sa swivel chair ay napa-daing ako ng mahina dahil biglang sumakit ang aking likod.

Caught By Your Arms(EDITING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz