Chapter 29

82 8 6
                                    

Chapter 29: First Day

Habang naka-upo ako ay nanginginig ang aking mga tuhod, mabuti nalang at naka-tago sa ilalim ng lamesa ang tuhod ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kanina dahil gulat na gulat talaga ako.

Ngayon ay tinitignan niya ang papeles na kinuha niya mula sa drawer niya, hindi ko na siya tinanong kung saan nanggaling 'yun dahil hindi pa pumapasok ang lahat na nangyari kanina.

Atsaka nag-tataka ako dahil parang hindi niya ako kilala at parang estranghero lamang ako, ang pag-sasalita niya, ang galaw niya, parang nag-bago lahat. Ni hindi ko manlang nakita ang pagkagulat o ngisi niya noon kapag may binabalak siyang masama.

Napa-tigil ako sa pag-iisip ng mag-salita siya."Single?" Taas kilay niyang tanong habang naka-tingin sa papel na hawak-hawak niya.

Tumikhim ako."Single mother," sabi ko.

Nanatiling naka-taas ang kanyang kilay."You got divorce? But it says to your resume that you don't have a husband neither a boyfriend,"

Feeling bitter ako gano'n? "I don't have a husband neither a boyfriend, and I don't wan't to marry," sagot ko.

Tumango-tango siya atsaka inilapag ang resume ko."Okay, since you talked english fluently, and you don't have a husband or boyfriend. You're hired," anito.

Nagningning ang aking mga mata."Talaga?!" Masayang tanong ko.

Tumango siya, inilahad niya ang kamay niya na ikina-tingin ko roon."Congratulations, Ms. Swayze, hope you have a nice work with us," bati niya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya o hindi, kahit ayaw ko ay tatanggapin ko nalang. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ng may tumawag sa selpon ko kaya't nabawi ko kaagad ang kamay ko.

Kinuha ko ang selpon ko mula sa sling bag ko, bakit tumatawag si Hera? Ngitian ko siya ng pilit."Mauna na ho ako, sir, hinahanap na ako ng mga anak ko," natin

Tumango lang ito atsaka binawi ang kamay, tumalikod na ako atsaka sinagot ang tawag."Hello, baby?" Bungad ko.

"Mommy! Someone bullied me," sumbong niya sa akin.

Napa-taas ang kilay ko."Sino ang nauna? Ikaw o siya?" Tanong ko.

"Him! I was just roaming around in great lola's house then he talked to me, I just say that 'don't talk to me, I already have a crush' then he said that my crush don't liked me and he said that he is willing to be my new crush, how dare he?! That's why kuya almost punched his face even if it's his friend," mahabang kwento sa akin ni Hera.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa batang lalakeng kuma-usap kay Hera, nginitian ako ng sekretarya pagkalabas ko kaya't nginitian ko ito pabalik.

Sino bang matinong batang mag-sasabi na huwag kumausap sa kanya dahil meron na siyang crush? "Hera, you're still a kid. Why are you taking the crushy thing seriously?" Nasa harapan na ako ngayon ng elevator, pinindot ko ang down button.

"Mom, I only liked Yso, he's so cool and handsome," kwento niya na parang kinikilig habang nagkwekwento.

Napa-tawa ako ng mahina."Don't like mens if you liked them by their apperance, like them by their personalities. Every boy or mens have their own apperance and personalities," sabi ko, bukas na kaagad ang elevator kaya't pumasok na ako.

Kung makikita ko lang siya ay naka-nguso na ito ngayon."Then, why do you loved daddy back then? Even if his bad?" Tanong niya.

Halos mapa-awang ang bibig ko sa tinanong niya."Hera!" Suway ko sa kanya, narinig kong tumawa lang siya. Napa-iling-iling ako."Enough talking about crush, I will be going home after I go to the groceries,"

Caught By Your Arms(EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें