Chapter 18

88 13 0
                                    

Chapter 18: No

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina sa sasakyan, muntikan na akong bumigay! Mabuti't tinawag kami kaagad ni Marcus.

Buong klase yata, 'yun lang ang iniisip ko. Nakakahiya ginawa ko! Pakiramdam ay umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko tuwing naaalala 'yun at pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap kay— ewan basta!

"Hoy! Tulaley ka na naman d'yan, baka iniisip mo 'yung mga asawa mong naka-hubad!" Sigaw sa akin ni Kezy, siya ang kasama ko ngayon dahil free time namin at nasa cafeteria kami ngayon.

Nagugutom kasi kami kaya bumaba muna kami para kumain tutal wala pa naman si prof, mabuti nalang at wala masyadong tao dito ngayon.

Inikot ko ang mga mata ko."Ikaw nga, walang inisip kun'di puro si Chase." Pambabara ko sa kanya, nalaman ko kasing si Chase ang bagong nilalandi niya.

Like what the fuck? Naka-tsamba si babaita, bilyonaryo ang nilalandi niya at ang isang pusong bato pa. Hindi ko nga alam kung alam niya ba 'yun o hindi.

Ngumiti siya sa akin na parang kinikilig, tinignan ko naman siya na parang nandidiri."Ang gwapo ng bebe ko! Ano kaya istura niya kapag naka-hubad?" Halos maingudngod ko siya sa pag-kain na kinakain namin ngayon."Aray ah! Hindi ba pwedeng pabebeng batok?!"

Inikot ko ang mga mata ko."Mukha ka kasing tanga, ginigising lang kita sa katotohanan na hindi ikaw ang gusto niya."

Ngumuso siya at inirapan ako."Kaibigan ba talaga kita? Hindi ka talaga marunong sumuporta!" Reklamo niya.

Tumawa ako."Atleast supportive sa kalandian mo." Sagot ko.

"Salamat ah? Sobrang salamat talaga!" Sabi niya, insert the sarcasm.

"Walang anuman, reyna ng kalandian!" Pormal kong sinabi.

Inirapan niya lang ako at kinagat ang cheeseburger niyang hawak-hawak, tumawa lang ako sa inasta niya at sumubo rin ng pasta. Napataas ang kilay ko ng umupo sa harapan namin si Ryder, anong ginagawa niya rito?

"Hi pogi!" Malanding bati ni Kezy.

Napahigikgik ako ng makita ang itsura ni Ryder, tumaas ang kilay niya."Excuse me?" Taas kilay niyang sinabi.

"May galit ata sa'kin." Bulong sa'kin ni Kezy na ikina-tawa ko.

"Ikaw ha, akala ko kay Chase lang gigiling?" Taas kilay kong tanong na bulong.

Tumawa siya."Naman! Kay Chase lang gigiling, lalandi, kakalampag!" Proud niyang bulong sa akin.

Tumawa lang ako at kumain, hindi ko pinansin si Ryder dahil naiilang pa rin ako sa nangyari."Hey, why aren't you looking at me?" Tanong niya.

Tiningnan ko siya."Ha?"

"Ikaw ah, may kalandian ka pala ah." Bulong sa'kin ni Kezy, sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan.

"Are you avoiding because—" Hindi ko na tinuloy ang sinabi niya dahil kinuha ko ang putlong na nasa harapan ni Kezy at sinubo sa bunganga niya.

"Hoy akin 'yan ah!" Reklamo ni Kezy.

Hindi ko pinansin si Kezy at sinamaan ng tingin si Ryder."Huwag dito, may chismosa." Sabi ko na ikinatawa niya atsaka kinakagatan ang putlong.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now