Chapter 27

92 9 1
                                    

Chapter 27: Heart

Pagkagising ko ay medyo masakit ang ulo ko dahil pumunta rito kagabi sila Kezy, Chrisna, Ashley, Buwan, Lia, Yen, at Ara. Hindi ko alam kung saan naka-sagap ng balita sila Buwan, basta ang sabi nila sa akin ay do'n daw sa malapit na kaibigan niya.

Pinilit nila akong uminom para pambawi ko raw kila Ash kung dahil hindi ako nag-paalam sa kanila bago ako umalis at hindi ko sinabing buntis ako. Ngayon ko lang maranasang uminom ng alak, mabuti nalang at high tolerance ako kun'di, ewan ko nalang.

Napa-tingin ako sa pintuan nang maka-rinig ako ng sunod-sunod na katok."Mommy! Wake up, now, we're going to pasyal-pasyal, right?"

Tumawa ako ng mahina atsaka tumayo para buksan ang pintuan, napa-taas ang kilay ko ng makitang bihis na bihis na siya."Ayos ng pormahan natin ah? Saan punta mo?" Nang-aasar kong tanong, naka-sneakers at naka-dress siyang black habang naka-sumbrero pa at naka-shades.

Tinalo ako ng anak ko ah, ngumuso siya."Mommy!" Suway niya sa akin.

Tumawa ako atsaka ginulo ang buhok niya."I will just eat, and then take as shower," sabi ko."Na saan kuya mo?"

"He's nasa down na po," magalang na sagot niya.

Tumango ako."Kumain ka na ba?"

Tumango siya."Of course! I'm an early bird," masiglang sinabi niya.

"Come on," aya ko sa kanya.

Humawak siya sa kamay ko na ikina-ngiti ko, sabay kaming bumaba. Nadatnan ko si Raid na nanonood ng Cars 2, napa-iling-iling ako, paborito talaga niya ang mga sasakyan.

Humiwalay sa akin si Hera para sumama sa kakambal niyang manood, mag-kakambal sila pero ang tawag ni Hera kay Raid ay 'kuya'. Pero ang unang lumabas sa kanilang dalawa ay si Hera pero gusto ni Hera na may tatawagin siyang kuya, kaya't simula noon ay kuya na ang tawag niya kay Raid.

Pag-pasok ko ng kusina ay naroon si mama habang nag-huhugas ng pinggan, kakatapos lang siguro nilang kumain."Goodmorning, Ma," bati ko.

Napatingin siya sa akin atsaka ngumiti pabalik."Gising ka na pala, nilutuan kita ng sopas para sa hang-over mo," sabi ni mama.

Tumango nalang ako atsaka nag-hugas ng kamay bago umupo, may plato ng nakahanda sa lamesa kasama ng mga kubyertos at baso. Sumandok ako ng kanin atsaka kumuha ng sopas, nag-dasal muna ako bago kumain.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon, sa titig pa lang niya ay mukha akong estranghero na parang hindi niya pa ako nakikita. Pero noong kumunot ang noo niya ay parang namukhaan niya ako, mabuti nalang at may tumawag sa amin.

At noong pagkasalo niya sa akin ay bumilis kaagad ng tibok ang puso ko, ilang taon ng naka-lipas. Natayo ko na ulit ang pader na nasira pero bakit... bakit noong sinalo niya ako ay tumibok ang puso ko? Naka-move on na ako sa nangyari.

Simula noong nang-yari 'yun ay lagi ko ng napapaginipan si kuya at siya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Kaya't tuwing gigising ako ay puno ng luha ang aking mga mata, pati ang unan ko ay basa.

Iniling-iling ko ang ulo ko, move-on na nga di'ba? Ba't ko pa binabalikan? Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumawag sa akin, pumasok si Raid at Hera na naka-ngiti.

Kinunootan ko sila ng noo."Oh? Anong tingin 'yan?" Tanong ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin atsaka umupo sa magkabilang upuan."Mommy..." malambing na sinabi ni Raid.

Tinaasan ko sila ng kilay."Mommy, you're so ganda po," sabi ni Hera.

At kailan pa ako sinabihan ng maganda nito? Napa-ngisi ako sa aking isipan ng ma-gets ang galaw nila."Alam ko binabalak n'yo, what it is?"

Caught By Your Arms(EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang