Chapter 3

160 19 42
                                    

Chapter 3: The Blood Brothers

Maaga akong nagising ngayon dahil susunduin na nila Aki at Bembem si Cedie, gising na rin si Cedie at sila Yen.

"Yeye! Punta tayo kay kuya!" Sabi ni Cedie habang iniimpake ang gamit n'ya.

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo."Sinong kuyang pinagsasabi mo d'yan?." Tanong ko.

"Yung kasama natin kahapon! 'Yung basa ka sa damit." Paliwanag n'ya.

"Ah, si Ryder na bwiset?." Tumango s'ya, napakunot ang noo ko ulit."Bakit naman tayo pupunta sa kanya?." Tanong ko.

"Paalam ako, baka iyak s'ya pag 'di ako paalam." Sagot n'ya na ikinatawa ako.

"Baliw, 'di naman iiyak 'yun noh, tsaka hayaan mo na s'ya." Ani ko.

"Ih!" Umiling-iling s'ya."Usto ko paalam ako!" Nakanguso n'yang sinabi.

Tumawa ako."Oo na, oo na." Sang-ayon ko kahit ayaw ko."Tara na." Aya ko, bumaba na siya sa kama ko.

"Oh, ihahatid mo na si Cedie?." Salubong sa akin ni Lia na papasok pa lang sa kuwarto.

Tumango ako."Oo, pagkatapos ay mamimili ako ng pagkain natin." Sabi ko.

"Bili ka na rin ng cookies." Saad n'ya, tumango ako.

"Ako rin! Pasabay! Bilhan mo ako ng chocolates, 'yung dark chocolate ah?!" Singit ni Yen.

"Oo na, bayaran n'yo ako ah?! Mamaya baka 'di n'yo bayaran, ako na nga namili." Sambit ko.

"Ako rin! Bilhan mo rin ako ng marshmallows! Ay teka, ito 'yung listahan para 'di ka maguluhan." Inabot sa akin ni Ara ang listahan.

Inikot ko ang mga mata ko."Salamat huh!?." Sarastik kong sinabi.

"You're welcome." Natatawang sabi n'ya, lumapit s'ya kay baby."Baby, balik ka huh? Pagluluto ulit kitang peyborit mo!" Pang-uuto ni Ara kay Cedie.

"Nang-uuto ka na naman, Ara!." Sabi ni Yen at mahinang tinulak si Ara, lumapit din s'ya kay baby."Ang kyut-kyut ng baby namin! Balik ka dito ah? Bibigyan kita maraming tsokolate!"

"Hindi! Usto ko gummy bears!" Sagot ni baby.

"Scammer." Sabi ko na ikinatawa ni Ara.

"Kung ako nang-uuto, ikaw mang-loloko. Niloko ka na nga manloloko ka pa." Saad ni Ara.

Tumawa ako."Double kill!"

Umirap si Yen."Oo na nga eh! Oo na, tsaka move on na ako doon okay? M-o-v-e o-n, move on." Aniya.

Umiling-iling ako."Alis na kami, baka kung saang mapunta 'tong usapan." Ani ko.

"Bye ate Yenyen! Bye ate Ara! Bye ate Lia." Paalam ni baby sa kanila habang kumakaway.

"Bye baby! Balik ka dito ah?." Paalam nila.

NANDITO na kami sa entrance ng school, inaantay kong dumating si mommy Fay. Naka-upo lang kami sa bench na inuupuan ng mga guards kapag break time sila.

"Yeye! Si kuya oh!" Turo n'ya sa malayo, napatingin ako doon.

Napakunot ang noo ko ng makita si Ryder, ang aga-aga ba't s'ya nandito? Nagulat ako ng biglang tumayo si baby at tumakbo papunta kay Ryder.

"Baby!" Sigaw ko.

*BEEP BEEP*

Napatingin ako sa entrance, nandito na pala si mommy Fay. Napatingin ako kay baby na kinakausap ngayon si Ryder.

Ibinababa ni mommy Fay ang bintana."Aye, na saan na si baby?." Tanong niya.

"Kausap si Ryder, mommy Fay." Turo ko sa kanila.

Caught By Your Arms(EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن