Chapter 14

84 12 1
                                    

Chapter 14: Jealous

Hanggang sa pag-pasok ko kanina ay lutang na lutang ako, mabuti na lang talaga at natapos ko kagabi ang questionaires para sa reporting namin kahit lutang na lutang ako.

"Ayos ka lang, Aye? Kanina ka pa tulala ah." Sambit ni Ara.

Break time na ngayon kaya nandito kami sa klasrum habang kumakain kami, dito na kami kumain baka mang-yari ulit ang nangyari at para tahimik. Inikot ko ang mga mata ko at nagbuntong hininga at hindi siya sinagot.

Nakatingin lang ako sa malayo."Lah, peymus na naman." Rinig kong sinabi ni Yen.

"Kahapon pa 'yan eh, hindi na mamansin, nagtatampo ata kasi hindi natin sinabing may boyfriend na tayo." Sabi ni Ara.

Tumawa sila."Ayaw pa kasing jowain si Ryder." Sabi ni Lia.

Inikot ko ang mga mata ko, nawawalan akong ganang makipagusap. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko ay wala akong paki-elam sa paligid ko.

Napapikit ako ng mariin ng maalala ang mga text at voice mail ni Ryder no'ng mga oras na nasa mall kami, puro 'i love you', 'take care', 'eat well' at kung ano-ano pa.

Inulit-ulit ko ang voice mail n'ya kagabi dahil ewan ko ba, basta na-iinlove ako lalo dahil sa voice mail niya. Nagtataka nga ako kung bakit puro 'i love you' ang sinasabi niya, eh wala ngang kami at hindi siya nanliligaw.

Nagbuntong hininga ako at tumayo, inilapag ko ang pag-kain ko sa tabi ni Ara. Aalis na ako ng makasalubong ko si Hero.

"Hi—" Hindi ko na siya pinatapos dahil nilagpasan ko lang siya.

Hindi pa naman ako nakakalayo kaya naririnig ko pa sila."Hayaan mo siya, Hero." Rinig kong sabi ni Lia.

"Peymus talaga 'yan," Sabi ni Yen."S'ya kasi ang pinaka-snobber at pinaka-malamig sa'min, no'ng umulan siguro ng kalamigan at ka-snobberan, sinalo niya lahat." Natatawang sabi niya.

Lumabas na ako ng room ng hindi sila pinapansin, naka-salubong ko pa ang ibang kaklase ko at binabati nila ako pero nilalagpasan ko lang sila.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni kuya Jax at Adri, nag-tago ako sa gilid at sumilip ng kaunti. Walang tao dito sa palapag na ito.

Hawak-hawak ni kuya ang collar ni Adrian, pareho silang may sugat sa labi."Layuan mo kapatid ko, kung ayaw mong mabubog." Banta ni kuya.

I decided not to show, pinanood ko lang sila. Ngumisi si Adri."At bakit ko naman siya lalayuan? Para kanino? Kay Ryder na walang kwenta?" Napakunot ang noo ko, sino pinaguusapan nila? Ako? Si Ryder?

Mas lalong nagtigis ang banggang ni kuya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa collar."Layuan mo si Aella." Tama ako, kami nga ang pinag-uusapan.

"Mahal ko siya kaya bakit ko siya lalayuan?" Nakangising tanong ni Adri.

Nagulat ako ng suntukin siya ni kuya Jax na ikinatumba ni Adri, kinuha ulit ni kuya ang collar niya."Hindi ka mahal ng kapatid ko, pinagkakasya mo lang ang sarili mo sa kanya." Malamig na sinabi ni kuya.

Tumawa ng mahina si Adri."Sinasabi mo lang 'yan kasi may usapan kayo ni Ryder, tama ba?" Anong usapan? Anong hindi ko alam?

Sinamaan siya ng tingin ni kuya."Kung anuman ang usapan namin, labas ka na doon." Sabi ni kuya.

"Tama nga ako, ayaw n'yo sa isa't-isa kaso ang mahal ni Ryder ay na sa'yo habang ang mahal mo naman ay na kay Ryder." Ngumisi si Adri."Ang usapan n'yo ay ipapaubaya mo si Aella kay Ryder, in exchange to get Ellie. Pumayag ka rin naman dahil mahal mo si Ellie kaso—"

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon