Chapter 30

91 7 1
                                    

Chapter 30: Truth

"I already told you, Hero, I don't care if he suffered, kasalanan niya 'yun at hindi ako," mahinahon kong sinabi, nasa cr ako ngayon para kausapin si Hero.

Hindi ko naman alam na sasabihin niya na ipakilala ko raw sa kanya ang kambal, like what the fuck? Kasalanan niya 'yun kung bakit siya nagdurusa ngayon, hindi ko kasalanan iyun.

"Stop being selfish again, Aye. Dapat pala hindi ka na pumunta nang Amerika, mas lalong tumataas ang pagka-selfish mo," dismayado niyang sinabi."But don't worry, I won't push you to tell him, and besides you don't know what happened 6 years ago."

Napa-kunot ang aking noo."What do you mean? May nangyari 6 years ago?" Nagtataka kong tanong.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga."Hindi ako tumawag para sabihin 'yun, I'm not in the place to tell you about it. Mas maganda kung siya o pamilya niya mismo ang magsasabi sa iyo." sabi niya.

"Ano ba—" bigla nalang niya itong binaba, napakunot ang aking noo atsaka inilayo ang selpon sa tenga ko.

Anyare sa kanya? Iniling-iling ko nalang ang aking ulo atsaka tumingin sa salamin, napa-kapit ako nang mahigpit sa sink. Habang tumitingin sa sarili kong mga mata ay pumasok ang mga imaheng nangyari noon sa akin bago pa ako tuluyan mawala ang lahat.

Kitang-kita ko ngayon ang mga mata kong nag-aapoy, ngunit napa-tigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan. Kaagad akong napa-ayos ng tayo atsaka nag-buntong hininga, tumingin ulit ako sa salamin.

"Past will be past, it's present now. Move on, never bring back that shit again," bulong ko sa aking sarili.

Isinukbit ko ang sling bag ko sa balikat ko atsaka binuksan ang pintuan, lumabas na ako at pumasok naman sa loob ang kanina pang kumakatok. Napa-tingin ako nang tumunog ulit ang selpon ko, sinagot ko ito

"Hello?" Bati ko.

"Where are you mommy? Why can't we find you?" Tanong ni Raid.

Napa-tawa ako nang mahina."Break time ngayon, Raid. Sinama ako ng mga co-workers ko na kumain, it's just across street where I work," sabi ko.

"Oh, really? Good bye, moma, I love you," sambit nito atsaka binaba ang tawag.

Napa-kunot ang noo ko atsaka napa-iling-iling, pagkarating ko sa table namin ay nandoon na ang pag-kain. Mukhang nag-kwekwentuhan sila dahil nag-tatawanan sila, nginitian ko sila nang makita nila ako.

Umupo na ako."Sorry, medyo napatagal usapan namin, tumawag pa kasi anak ko," sabi ko.

Mukhang natigilan sila sa sinabi ko, sabay-sabay silang napa-tingin sa akin at unti-unting umawang ang kanilang bibig."Bakit?" Tanong ko.

"May anak ka na?!" Gulat nilang tanong.

Tumango ako."Oo, bakit?" Tanong ko ulit.

"Shocks! Akala ko matandang dalaga ka, sa ganda mo ba naman 'yan!" Sabi ni Leah.

Tumawa nalang ako atsaka kumain."Ilan anak mo?" Tumatawa lang ako sa mga tinatanong nila.

"Sino tatay?"

"Mesherep ba tatay nila?"

"Naka-ilang putok at nagkajunakis ka?"

Halos mabulunan ako sa tinanong ni Mike, mabilsi akong uminom ng tubig. Binatukan nila Leah at Ohr si Mike dahil sa sinabi niya, sinamaan namin siya ng tingin.

Itinaas niya ang kilay niya."Whatitshet?" Maarteng tanong ni Mika.

"Sa dinami-dami ng tanong, bakit 'yan pa?" Taas kilay kong tanong.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon