Chapter 37

92 6 0
                                    

Chapter 37: Caught

Pag-uwi ko ay sinalubong kaagad ako ng yakap ang dalawa, si Hera nga ay umiiyak dahil akala niya iiwanan ko na sila. Si Raid naman ay feeling hindi umiiyak pero no'ng na tapos ang yakapan namin ay pumasok siya sa banyo at doon umiyak.

Naka-gawian na ata 'yun ni Raid na kapag tuwing iiyak siya ay papasok siya sa banyo para roon umiyak. Pinabayaan ko na siya roon dahil alam kong ayaw niyang may nakakakita sa kanyang umiiyak.

Sabi sa akin ni ate Sassy ay niligaw niya ang sasakyang sumusunod sa kanya kaya't nakarating siya ng maayos sa pinuntahan nila Hera. Sa ngayon ay nandito kami sa subdivision ni Hero dahil mas malapit lang ito sa presinto kung saan nakulong ang fake father ni ate Sassy.

Kakatapos lang namin kumain ng gabihan, tulog na silang lahat habang ako ay narito sa rooftop. Naka-tingin sa nagniningning na mga bituwin, malamig ang simoy ng hangin dahil may malalaking puno rito.

Suot-suot ko pa rin ang sweatshirt na suot ko kanina na hindi ko alam kung saan nanggaling, ibabalik ko nalang siguro ito sa kanya bukas dahil paniguradong sa fiancé o ex-fiancé niya ito. Nag-buntong hininga ako atsaka sumandal sa moon chair, hindi ako maka-tulog dahil naiisip ko pa rin ang pwedeng mangyari.

Suminghap ako ng sariwang hangin habang pinag-mamasdan ang buong subdivision, naka-sara ang kanilang ilaw sa loob. Ang tanging nag-sisilbing ilaw ang ang mga lantern sa daan at ang mga poste, sobrang tahimik ng paligid ko.

Para akong nabibingi dahil sa sobrang tahimik, ang mga puno ay nag-sasayaw nang humangin ng malakas. Hinangin ang natitirang buhok ko dahil naka-up-do ponytail ako pero medyo magulo, inayos ko ito.

"Mommy?" Napa-lingon ako sa tumawag sa akin.

Napa-taas ang kilay ko nang makita ko si Hera na kinukusot ang mata."Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba maka-tulog?" Tanong ko, tumango siya."Come here," lumapit siya sa akin, pinaupo ko siya sa kandungan ko."Why can't you sleep? Hmm?"

"I had a dream about daddy, he's begging..." inaantok niyang sinabi.

Natigilan ako saglit."Begging for what?"

"Begging you to give him a second chance," naningas ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yun pinahalata."If daddy comeback again, would you still give him a second chance?"

Tumingin ako sa ibaba."I-i don't know," nauutal kong sagot.

"But you still love him, aren't you? Mommy, I want a complete family, I don't want daddy to marry another girl,"

Nginitian ko siya."Tadhana ang may desisyon no'n," sabi ko, I'll try to give you both a complete family.

"I want to see daddy, I want to touch him, mommy. I don't want just to stare at his picture, you what mom? Everytime I see a happy family, it makes me jealous," kwento niya.

Napatigtig ako sa kanya."Hera..."

Nginitian niya ako."Can we go to your office?" Tanong niya.

Nag-buntong hininga ako."Not for now, may magnanakaw roon kaya't paniguradong hindi ko kayo maasikaso," ani ko.

Lumukot ang kanyang mukha."I-i just want to see daddy,"

Sinandal ko siya sa aking dibdib at hinagod-hagod ang likod niya nang mag-simula na siyang umiyak."Shh, don't cry. Soon you'll see your daddy and even touch him," sabi ko kahit hindi ako sigurado.

Pinunasan niya ang kanyang luha at lumayo sa dibdib ko."R-really?" Tanong niya.

Tumango ako atsaka ngumiti."Hmm-mm, sleep in ny chest. Bubuhatin nalang kita papuntang kwarto n'yo," utos ko."Your daddy's birthday is coming near, do you want to give something to him?" Sa pagkakatanda ko ay september 27 ang kanyang birthday at ngayon ay september 23.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now