Chapter 32

103 4 2
                                    

A/n: Masyadong mahaba ang chapter na 'to, kaya tiisin n'yo.

Chapter 32: Slowly

"Mommy! I want chocolates," naka-ngusong sinabi ni Hera.

Narito kami ngayon sa mall, namimili ng mga pag-kain dahil malapit ng maubos ang stock namin. Mabuti nalang at sabado ngayon kaya't may oras kaming maka-pamili ng hindi nagmamadali.

Isinama ko na silang dalawa dahil wala namang mag-babantay sa kanila, busy ang mga pinag-iiwanan ko. Hindi naman silang pwedeng iwanan kay mama dahil siya ang nag-aasikaso sa mga tenant.

Tumingin ako sa kanya atsaka mabilis na umiling."What did I told you? Bawal ka sa chocolates, okay? Baka hindi ko ma-kontrol ang pagkahyper mo kapag naka-kain ka ng chocolates," sabi ko.

Ngumuso siya atsaka yumuko."O-okay, I won't be kulit-kulit anymore," sabi niya.

Nag-buntong hininga ako atsaka tumingin kay Raid na kanina pa tahimik habang iniikot ang tingin, simula ng pag-pasok namin sa mall ay tahimik na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

"Fine," suko ko, nag-liwanag ang kanyang mukha."Pero isa lang ang kukunin mo," paalala ko.

Sunod-sunod siyang tumango atsaka nagmamadaling kumuha ng isang hershey's na dark chocolate."Here, moma," iniabot niya sa akin ang chocolate.

Kinuha ko naman iyun mula sa kanyang kamay atsaka inilagay sa push cart, tumingin ako kay Raid."Ikaw? Wala ka bang papabilhin?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya kaagad."I'm fine with my toys," saad niya.

Tumango nalang ako atsaka itinulak ulit ang push cart habang ang dalawa ay nasa unahan habang naka-hawak sa gilid ng push cart. Sila ang may hawak ng listahan at tinuturo nila sa akin kung nasaang section habang ako ay taga-kuha lang at taga-tulak ng push cart.

"Mommy, the list is already all checked," sabi sa akin ni Hera habang hawak-hawak ang listahan.

Tumango ako."Sa cashier na tayo," ani ko.

Kinuha ko sa kanya ang listahan atsaka iniligay 'yun sa mini bag kong dala-dala, itinulak ko ulit ang push cart atsaka pumila sa cashier kung saan hindi masydaong mahabang pila.

Nanatiling nanahimik ang dalawa habang nag-hihintay na umandar ang pila, napa-tingin ang atensyon ko sa dalawa ng mag-lakad sila papuntang bench atsaka umupo roon. Nginitian nila akong dalawa habang kumakaway sa akin si Hera, nginitian ko silang dalawa.

"D'yan lang kayo ah?" Paalala ko sa kanila."Huwag malikot," sabay silang tumango, napa-baling ang tingin ko sa harapan.

"Next!" Saad ng cashier.

Kaagad akong umusog atsaka isa-isang inilagay ang mga pinamili namin sa counter, pinaghiwa-hiwalay ko ang pag-kain at hindi pag-kain. Tumingin ako saglit kung saan kinaroroonan ng dalawa, napa-buntong hininga ako nang makitang nandoon pa rin sila.

Tumingin ako sa cashier pagkatapos niyang mag-kwenta ng mga napamili namin."2,793.29 pesos, ma'am," aniya.

Nginitian ko siya atsaka tumango at inilabas ang pera sa aking mini bag, iniabot ko sa kanya ang pera ng hindi nag-sasalita. Bumaling muli ang aking tingin sa kinaroroonan ng dalawa, nag-lalaro ito ng bato-bato pick.

Napa-tawa ako nang mahina ng makitang pinitik ni Raid si Hera na ikina-nguso nito habang hinihimas ang kanyang noo, hula ko ay talo na naman siya. Lagi kasi siyang talo kapag kalaro niya ang kanyang kakambal, kaya ayun, laging ding naka-nguso.

Pag-tingin ko sa gilid ko ay binabalot na ang lahat nang mga na-pamili namin, iniabot sa akin ito ng cashier.

"Here you go, ma'am," iniabot niya sa akin ang mga plastik bag.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon