Chapter 43

92 4 3
                                    

Chapter 43: Deal or Death?

SABAY KAMING pumasok ni Ryder pero bumaba kaagad ako kanina sa sasakyan at hindi na siya hinintay pa dahil baka may makahalata sa amin ano, sa floor lang namin ang nakatingin sa akin na nag-tataka.

Dahil nga mag-kasama kami kahapon ni Ryder at may kasama pang dalawang bata, sinong hindi mag-tataka roon? Pag-pasok ko pa sa opisina kanina ay halos mag-reklamo ako. Parang dalawang bundok ang mga papel na naka-tambak sa lamesa ko.

Hindi ko nga alam kung ilang oras na akong nag-titipa rito sa computer, punyeta kasi. Sabi ni Ryder less work, less stress? Pero bakit gan'to? Scam talaga siya!

Unti nalang talaga mabubulag na ako. Kung hindi lang ako binigyan ng pag-kain ni Ryder ay baka kanina pa kumukulo t'yan ko. Ngayon ko lang nalaman na si Ryder pala ang nag-luluto ng mga pag-kaing binibigay niya sa akin.

Kaya pala ang sarap ng luto tapos puro paborito ko pa ang ulam, alam na alam talaga mga paborito ko. Pero kahit anong sarap ng ulam na binigay niya sa akin ay stress pa rin ako dahil sa daming naka-tambak sa lamesa ko.

Napa-baling ang atensyon ko kay Ryder, napansin kong kanina pa siya dumadaing. Tumayo ako sa kinauupan ko atsaka lumapit sa kanya.

"Masakit likod mo?" Tanong ko.

Napa-tingin siya sa akin atsaka umiling."Nah, I'm fine— shit!" Mura niya ng hawak ko ang likod niya at diniinan ito.

"Ano? 'I'm fine' pa ha,"

Sumimangot siya."Yes, my back hurts as hell. But I know I'll be fine, just go back to your work," utos niya.

Umiling ako."Tumayo ka r'yan at isa pa, mainit ka oh. Ano bang ginawa mo kagabi?"

Tumayo siya kaya't inalalayan ko siyang mag-lakad patungong kwarto niya."I forgot to bring umbrella last night," naka-ngiwing saad niya."And the meeting was an headache, they piss me off,"

"Ano bang meron sa meeting kagabi?" Tanong ko, pinahiga ko siya sa kama."D'yan ka lang, kukuha lang ako ng tubig," tumayo ako atsaka pumasok sa banyo.

"The thief, as always," rinig kong sinabi niya."We're still looking for him, and the police has no update yet, even my close friend,"

Nag-salok ako ng tubig sa container na nakita ko, may heater naman dito kaya't maligamgam ang tubig."Alam ko may kilala si Kezy na detective pero masyado raw mahal kung siya. Badass detective raw ang tawag sa kanya," sabi ko, kinuha ko ang towel na naka-sabit bago lumabas.

Tumingin siya sa akin."How much then?" Tanong niya.

Nag-kibit-balikat ako."I don't know, kakausapin ko nalang si Kezy mamaya," kahit alam kong hindi ko na kayo makakausap."At isa pa, bakit hinahanap mo pa ang bank accounts mo na nawala? Marami ka pa namang bank accounts, 'di mo ako maloloko," umupo ako sa tabi niya atsaka nilublob ang pamunas sa container at piniga ito bago siya punas-punasan sa noo.

Ngumiwi siya."How did you know?" Tanong niya.

"Just saw it," sagot ko.

Nag-buntong hininga siya."You're really incredible, no one can hide a secrets from you," napa-tawa ako ng mahina sa sinabi niya."I want to hear your answers,"

Natigilan ako saglit."My answers?" Tanong ko.

Tumango siya."I want to hear you say it, I want to hear why. I want to hear everything," inaantok niyang sinabi atsaka humikab.

"Matulog ka muna, hindi ka ata naka-tulog ng maayos kagabi," sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko."You will not leave me again, right?" Tanong niya ulit.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now