Chapter 33

88 7 0
                                    

Chapter 33: Half-naked eye

Mag-damag akong gising dahil kay Hera, binabantayan ko siya ngayon dahil inatake na naman siya ng hika niya. Alam naman ni Raid kung na saan ang inhaler niya para sa asthma ngunit ubos na ito kaya't tinawagan ako ni Raid.

Hindi ko na sagot kaagad 'yun dahil nga nasa table namin ang purse ko, mabuti nalang at bumalik kaagad sila Lia kun'di hindi maagapan ang hika niya. Suminghot ako, umuulan kasi kanina noong bumili ako ng inhaler ni Hera kaya't naulanan ako.

Humikab ako atsaka tumingin sa orasan pero hindi na malinaw ang aking tingin dahil unti-unti na itong tumiklop hanggang sa dumilim ang paligid ko.


NAGISING ako sa isang madilim na silid at malambot na kama, tanging ilaw lamang ay ang buwan na tumatama mula sa bintana. Humikab ako atsaka kinusot-kusot ang aking mga mata, tinatamad na umupo ako.

Inilibot ko ang aking tingin, nasa kwarto pala ako nila Hera. Naalimpungatan ako nang bigla kong naalalang dito pala ang kwarto nila ngunit hindi ko sila katabi, lalo na si Hera, may sakit pa naman 'yun.

Kumalabog ang aking puso, mabilis akong umalis sa kama atsaka lumabas ng kwarto. Habang nag-lalakad ako papuntang kwarto ko ay bumibigat ang aking pag-hinga, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.

Laking pasasalamat ko na nandoon sila, mahimbing na natutulog. Nag-buntong hininga ako atsaka dahan-dahang isinara ito, pero natigilan ako nang marinig ko ang pihit ng pintuan.

Napa-kunot ang aking noo atsaka unti-unting nag-lakad papunta roon, huminto ako sa harap ng pintuan. Bubuksan ko na sana ito nang bumukas ito, halos manginig ang tuhod ko nang makita kung sino ito.

Napa-atras ako."R-ryder,"

"B-baby," para siyang naubusan ng hangin.

"A-aong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong, naka-titig siya sa aking mga mata.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, nanigas ako sa kinakatayuan ko."B-bunny babe, I'm back," bulong niya sa tenga ko, naramdaman kong basa ang aking damit na hula ko ay umiiyak siya."I-i am finally back to you, I will never leave you. I will never gonna leave my family again—"

Nagising ako bigla nang marinig ko ang pag-bagsak ng mga kaldero, para akong hinabol ng maraming hayop. Umayos ako ng upo atsaka sumandal sa headboard, napa-pikit ako ng mga mata nang tumama ang araw sa mata ko.

"Ugh!" Daing ko atsaka nag-takip ng kumot, isasara ko na sana ang mga mata ko nang may tumawag sa akin.

"Mommy! Wake up!" Pang-gigising sa akin ni Hera, sumampa siya sa kama.

Tinanggal ko kaagad ang kumot na naka-takip sa aking mukha."Bakit?" Tanong ko.

"The kitchen is burning!"

Napatayo ako kaagad atsaka nag-mamadaling tumakbo papalabas ng kwarto, hindi ko na hinintay si Hera. Muntikan pa ako matumba nang biglang sumakit ang ulo ko pero iniinda ko ang sakit.

Nadatnan ko sa kusina si ate Alyssa na hawak-hawak ang extinguisher habang iniis-spry-an ang kawali na nasa stove. Tumitili siya habang ginagawa niya 'yun, napa-nganga ako sa pinag-gagawa niya, napa-buntong hininga ako.

"Punyeta! Natulog lang ako tapos ito madadatnan ko?! Kaya hindi ka n'yan krina-crush back ng crush mo eh!" Sigaw ko sa kanya.

Hingal na hingal niyang inilapag sa lamesa ang extinguisher, humawak siya sa kanyang dibdib."I thought it was gonna burned the whole hotel," sabi niya.

Napa-hampas nalang ako ng mukha, tiningnan ko si Hera."Baby, go back to your twin. Liligpitin lang namin 'yung mga nasunog na pag-kain," sabi ko atsaka tiningnan ng matalim si ate at bumalik ang tingin ko kay Hera, binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Caught By Your Arms(EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant