Chapter 42

71 3 0
                                    

Chapter 42: Last Day

NAKA-SIMANGOT lang ako habang sila ay patuloy na pinag-tutulungan ako. Hindi ko alam kung anong nakain ng mga 'to para pag-tulungan ako. Kung hindi lang sinimulan ni Hera ay baka kanina pa ako good mood.

Si Hera ang nag-bubungyag sa mga ginagawa ko roon sa states, malay ko bang one day ibubunyag niya lahat ng mga ginagawa ko roon. Tapos ito naman 'tong si Raid, akala ko galit sa daddy niya pero pinag-tulungan pa rin ako.

Hanggang sa tatlo na silang nang-aasar. Tuwang-tuwa pa nga si gago dahil sa bawat pag-ikot ng mga mata ko at pag-irap ko ay tumatawa siya.

"Sige, huwag n'yo akong tigilan," medyo naiinis kong sinabi, ngumisi lamang si Ryder atsaka sumubo ng ice cream."Lalo na kayong dalawa. Lutuan ko kaya kayong petchay bukas?" Ayaw kasi nila sa petchay, ewan ko ba 'tong sa dalawang ito.

Nandito kasi kami ngayon sa Dairy Queen, nag-aya ang dalawa na kumain dito dahil naka-kain naman na sila. Sa Jollibee kami kumain dahil 'yun ang request nila kay Ryder. At syempre, si Ryder pa ba? Mahilig mang-is-spoiled.

Mabilis na umiling ang dalawa."No!" Sabay nilang sinabi.

"We're just saying this to daddy because he deserves it to know," naka-ngusong sinabi ni Hera.

Tinaasan ko siya ng kilay."Deserve? Eh kung ibalik kita sa sinapupunan ko tapos doon ka nalang tumira?"

"Daddy oh! Mommy's threatening me again," sumbong niya kay Ryder.

Tumingin naman sa akin si Ryder na para bang nag-pipigil ng tawa."Aella," suway niya sa akin.

Tumawa ako ng mahina."What? Sinasabi ko lang naman eh," depensa ko, umiling-iling lang siya.

"Childish," rinig kong bulong ni Raid na ikina-tawa ko, mabuti nalang at hindi narinig ni Hera.

"Did your mommy have some tutor in there?" Tanong ni Ryder kila Hera at Raid.

Mabilis na tumango si Raid."Yes! Lalo na po no'ng nasa work siya," sagot niya.

"Yeah, I remember one time when we both come to her work," sabi ni Hera.

Inikot ko lang ang aking mga mata dahil hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila, pinag-patuloy ko lang ang pag-kain ng ice cream ko. Feeling ko o-order pa ako ng isa dahil sobrang sarap!

Napansin ko ang pag-sulyap ni Ryder sa akin bago ulit mag-salita."Really? Then did she ever date a man?"

Sabay na umiling ang dalawa."Mommy say, she's too bored to go out. All she wanted to do is to sleep and eat," kwento nila.

Tumawa ng mahina si Ryder."Yeah, right. Your mommy is always bored that's why..." saktong pag-tingin ko ay tinitingnan niya ako pababa at pataas kaya't tinaasan ko siya ng kilay, anong iniisip nito?

"'That's why' ano po?" Tanong ni Hera.

Bumaling kaagad ang kanyang tingin kay Hera."That's why we always stay in her or mine house. Your mom doesn't like going outside," kwento niya.

Inosenteng tumingin sa kanya si Raid."Talaga po? Then why—" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Raid, tinaasan ako ng kilay ni Ryder.

Pinanlakihan ko ng mata si Raid bago tumingin kay Ryder."'Wag mo 'yang pansinin," humahagikgik si Raid nang tagalin ko ang kamay ko sa bibig niya. Pinunasan ko ng tissue ang aking kamay dahil naka-limutan kong may ice cream pala sa bibig niya.

Hindi ako pinansin ni Ryder at tumingin kay Raid."What's that again, son?"

Pinanlakihan ko ulit ng mata si Raid pero hindi niya rin ako pinansin, kumain lamang siya ng ice cream niya."Oh, I remember that!" Singgit ni Hera kaya't napa-baling ang tingin ko sa kanya.

Caught By Your Arms(EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя