Chapter 20

97 11 0
                                    

Chapter 20: Revenge

Ang una naming pinuntahan ay ang shop ni tita Lavender, ang tita ni Ryder. Lavender's Jewelry Shop ang pangalan ng shop, nakakahiya nga at talagang pinilian ako ni tita habang si Ryder ay pinapanood lang kami.

Humihingi nga ako ng tulong sa kanya dahil hindi ako mahilig sa mga alahas pero biglang nag-bago ang isip ko ng makita ang mga designs.

Mayroong ibinigay sa amin si tita Love na kwintas pang-couple, saktong mayroong  'A' at 'R' na pendant kaya't ibinigay sa amin 'yun ni tita Love. Tumanggi pa ako dahil sobrang mahal ng presyo pero umiling lang siya at sinabing okay lang iyun.

Hinila pa ako ni tita sa kabilang shop niya na Lavender's Dress Shop ang pangalan, si tita Love na sana pipili ng mga damit na ibibigay niya sa akin kaso puro revealing. Kaso ayaw ko noon at ni Ryder, kaya sa huli ay si Ryder nalang pumili.

Pero... putcha! Halos balot na balot ang katawan ko sa mga pinipili niya! Kaya ayun, sa huli ay ako nalang pumili. Sabi ni tita ay ibibigay niya nalang sa akin 'yun dahil ito raw ang kauna-unahang may ipinakilala si Ryder kay tita.

Ang sunod naming pinuntahan ay ang arcade, gusto kong makuha ang teddy bear sa claw machine kaso hindi ko makuha-kuha.

"Let me." Napatingin ako kay Ryder.

Napataas ang kilay ko."Marunong ka?" Tanong ko.

Ngumisi siya."Of course." Mayabang na sagot niya kaya't tumabi nalang ako sa gilid atsaka pinanood siyang i-galaw ng controller.

"Tignan natin yabang mo." Bulong ko sa sarili ko atsaka sumandal sa tabi ng claw machine na pinag-laruan ko kanina.

Ipinagkrus ko ang kamay ko atsaka pinanood siyang mag-laro, sinimulan niya ng i-galaw ang controller. Ipinindot niya ang red button na biglang bumaba ang claw, nasiyahan ako ng may nakuha siyang isa kaso nahulog.

"Fuck!" Mahinang mura niya.

Napatawa ako ng mahina ng mahulog ang laruan, nag-hulog ulit siya ng tokens. Lima ata hinulog niya, para hindi na siya mag-hulog ulit. Sinimulan niyang galawin ang controller atsaka nag-hanap ng pwedeng makuha.

Ng makakita siya ay kaagad niyang pinindot ang red button, napatawa ulit ako ng mahulig iyun."Yabang pa." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako atsaka nagbuntong hininga."Just watch me, if I get that fucking stupid damn teddy bear, you will kiss me as a reward." Nanghahamon niyang sinabi.

Tumawa ako atsaka ngumisi."Sure," sagot ko, ako pa talaga hinamon mo ah? Tingnan natin kung saan aabot 'yang yabang mo.

Ibinalik niya ang tingin sa claw machine atsaka sinimulang galawin muli ang controller at kagaya kanina ay nahulog muli ito na ikinatawa ko ulit. Lumalabas na ang ugat niya sa mga kamay niya, halatang naiinis na siya sa claw machine.

Na para bang susuntukin niya ang claw machine, tawa ako ng tawa rito habang pinapanood siyang ma-irita sa claw machine.

"Damn it! Why this is so fucking shit hard?!" Pagmumura niya.

Tumawa ako."Sabi naman sa'yo, tumigil ka na." Sabi ko, ang-labing pito na yata ito, sinabi ko na kasing tumigil, ayaw mag-pa-awat.

Tumingin siya sa akin atsaka umiling."Fucking no, I will get that for you." Sabi niya.

Sumimangot ako."Kanina ka pa d'yan naglalaro, gutom na ako." Sabi ko habang naka-hawak sa aking t'yan.

Biglang nag-bago ang mukha niya."You're hungry?"

Tumango ako."Oo." Sagot ko.

"If you told me that earlier, I should fucking stop playing with this goddamn shit claw machine." Sabi niya, at kasalanan ko pa?

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now