Chapter 11

91 12 3
                                    

Chapter 11: Paso

Nagising ako ng maramdaman ko ang kamay na naka-balot sa'king katawan, pag-dilat ko ng mata ay sumalubong sa'kin ang mukha ni Ryder at naramdaman kong may parang tutumutusok sa hita ko.

Nanlaki ang mga mata ko."Ahh!" Tili ko at tinulak s'ya na kadahilan nahulog s'ya sa kama at nagising.

"What the fuck?" Mura niya ng mahulog s'ya, tumayo s'ya, napatakip ako ng mata gamit ang kumot ng makitang boxer lang ang suot n'ya."Why are you screaming? It's just 6AM in the morning." Aniya.

Tinignan ko ang loob ng kumot, bakit wala akong bra at iba ang suot ko?! "Bakit mo 'ko yakap-yakap?! Siguro pinagnasahan mo ako noh?!" Galit na tanong ko habang tinatakpan ng kumot ang katawan ko.

Napataas ang kilay n'ya."Why would i do that? I'm not a prevert." Depensa niya.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si tita."Ang aga-aga nakarinig akong sigawan, ano bang nangyari? Nag-away na naman ba kayo?." Tanong ni tita.

Napakunot ang noo ko."Away? Anong away tita?." Tanong ko.

Tumawa ng mahina si tita."Oh, i forgot, you got drunk last night." Saad n'ya.

"Naka-inom po ako?!" Gulat na tanong ko.

Tumango si tita."Ry, doon ka muna sa kuwarto n'ya. Para mahimasmasan siya." Utos ni tita.

Paano ako malalasing kung high tolerance ako? Tumingin sa'kin si Ryder, halata sa mga mata n'ya ang pag-aalala."Alright." Payag n'ya at nag-bihis muna bago lumabas.

Pagkatapos lumabas ni Ryder ay umupo sa kama si tita."Ano po bang nangyari?." Tanong ko.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan, i saw you at the beach, hindi mo kasama si Ryder. Pagkalapit ko nga sa'yo ay umiiyak at may binubulong ka, ang narinig ko lang ay 'nakakainis s'ya! Paasa!'." Sabi ni tita, biglang bumabalik ang mga nangyari kagabi."Tapos no'ng dumating si Ryder, pinapalayo mo s'ya sa'yo. He say to me that naka-inom ka raw na matapang na alak, i doubt it kasi wala namang strong alcohol ang naka-serve at nilagnat ka pa nga kaya dinala ka namin kaagad dito sa kuwarto ko." Kwento niya.

Napakunot ang noo ko."Pero ang sabi po ng waiter ay tubig 'yun kaya ininom ko." Sabi ko."Atsaka, high tolerance po ako."

"Namukhaan mo ba s'ya?." Tanong ni tita.

Umiling ako."Wala na po akong masyadong matandaan tita." Pagsisinungaling ko.

"O'sya sige, mauna na ako at maghahanda pa ako." Paalam ni tita at tumayo na."Papadalhan na lang kita ng mainit na sopas para sa hang-over mo."

Tumango ako."Sige po, salamat po tita." Sabi ko.

Pagkalabas ni tita ay nagpagulong-gulong ako sa kama, nakakahiya ang ginawa mo kagabi Aye! Ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil sa pag-ka-irita.

Naalala ko na kung bakit ako niyakap ni Ryder."Argh!" Inis kong sinabi at nagpagulong-gulong sa kama hanggang sa nahulog ako sa lapag."Aray! Tanga ko naman!" Pati sa pag-ibig ang tanga ko.

Inis akong tumayo at pumunta sa cr para mag-hilamos, habang nag-hihilamos ako ay naalala ko ang kagagahan na ginawa ko. Umamin tuloy ako ng wala sa oras."Bwiset kasi eh! Bwiset, bwiset!" Inis kong sinabi.

"What are you mumbling about?." Napatingin ako kaagad sa likod ko.

"Pusang gala! Kanina ka pa d'yan?!" Gulat na tanong ko dahil mas magiging akward kami lalo kapag nalaman n'ya ang pinagsasabi ko.

Umiling s'ya."Nah, just in time when you're mumbling." Saad n'ya."Are you mumbling about my handsome face and my hot body that you saw earlier?."

Sinimaan ko s'ya ng tingin, magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan."Ma'am, ito na po 'yung sopas n'yo." Sigaw ng room service sa labas.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon