Chapter 16

85 16 4
                                    

WARNING⚠️: This chapter might be not suitable for your age

[Edited: 9:01, September 26

Ulan: Naka-limutan ko pong lagyan ng Warning sign HAHAHHA so yon, enjoy reading po!]

Chapter 16: Overnight

Masama ang tingin ko kay Ryder pagkarating namin sa bahay— este mansion nila, mabuti na lang at may nadaanan kaming cosmetic shop kaya naka-bili ako ng concealer.

Hahawakan niya na sana ako ng umiwas ako."Huwag mo akong hahawakan! Ihahampas ko sa'yo 'tong bag ko, tignan mo." Pagbabanta ko sa kanya.

Tumawa siya."I already say 'I'm sorry'." Sabi niya.

Inikot ko lang ang mga mata ko at sinabayan siyang mag-lakad kahit gustong-gusto ko siyang iwanan kaso hindi ko naman kabisado ang mansion nila, baka maligaw lang ako pagnagkataon.

May sumalubong sa aming butler at maids, yumuko sila bilang pag-galang."Good evening, young master." Bati nila.

"Good evening po." Bati ko sa kanila na ikinagulat nila, siniko ko si Ryder at sumenyas na bumati.

Sumimangot siya."Do i have to?" Bulong niya sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin."Babati ka o hindi kita papansinin magdamag?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Inikot niya ang mga mata niya."Good evening." Malamig na bati ni Ryder sa kanila na mas lalong ikinagulat nila."You can go all back now." Utos sa kanila ni Ryder na sinunod naman nila.

Yumuko sa'min ang butler."Please follow me." Ani ng butler kaya't sinundan namin siya.

"Dapat 'yung mabait, hindi 'yung asal yelo." Bulong ko sa kanya dahil baka marinig kami ng mga maids na nag-lilinis at ng butler na nasa harapan namin.

Sumimangot siya."I already did what you command, why are you still pissed off at me?" Tanong niya.

Inirapan ko siya."Bahala ka d'yan sa buhay mo!" Inis kong sinabi sa kanya.

Narinig kong nag-buntong hininga siya."You're getting easy to pissed off now." Reklamo niya pero hindi ko siya pinansin.

"Aella!" Tawag sa'kin ni tita pagkarating namin sa salas, sinalubong niya ako ng yakap.

Nginitian ko siya."Good evening po tita." Bati ko.

"You smiled to my mom while you didn't even talked to me nicely, how fucking great." Rinig kong reklamong bulong niya.

Palihim ko siyang sinamaan ng tingin na mas lalong ikinasimangot niya at pagdabog na lumapit sa tatay niya.

Ngumiti sa'kin si tita."Good evening din! Akala ko hindi na kayo dadating eh." Sabi ni tita.

Matalas kong tinignan ng palihim si Ryder na malapit lang sa'min habang kausap ang tatay niya."Hindi po kasi sinabi sa'kin kaagad." Madiin ang bawat salita ko.

Inaya ako ni tita umupo sa couch."'Yung mga kaibigan mo ipinapasyal ko muna kila Marcus, kaya't makakapag-kwentuhan tayo ng—"

"Mom, I told you to stop being talkative." Singgit ni Ryder.

Tumawa naman ang tatay niya."Let him, son." Aniya, bumaling ang tingin niya sa'kin na ikinakaba ko."Good evening, young lady. I'm Samuel Tobias Martinez, you can call me Chairman TM or tito." Pakilala niya at inilahad ang kamay

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya."Aella—"

"Moon Swayze right?" Putol niya sa sinabi ko, tumango ako.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon