Chapter 22

86 9 0
                                    

Chapter 22: Alak

Finals na ng UAAP ngayon, kaya ito kami, nag-bibihis sa locker room ng mga volleyball player. Hindi ko alam kung sino ang kalaban namin ngayon, basta't sabi sa amin ni coach ay malakas daw makakalaban namin ngayon.

Mamaya pa naman laro namin dahil basketball ang inuna, kaya't pupunta ako ngayon doon para i-cheer si Ryder. Doon na raw ako sa bench nila umupo para raw makita niya ako.

Kasama ko ngayon sila Yen, Ara at Lia dahil nandoon din sila Marcus the life savior, Ares, at Cival.

"Gan'to dapat cheer ni Aye kay Ryder," sabi ni Ara."Go sexy! Go sexy sexy love!" Natawa kami sa pinag-gagawa ni Ara.

"Nabubuang ka na naman." Iiling-iling kong sinabi, pag-pasok namin ay saktong time-out na.

Nakita ko si Ryder na palinga-linga na mukhang may hinahanap, basa ang buhok niya na parang naligo sa pawis. Lumapit sa kanya si Marcus atsaka tinuro kami na nag-kukulitang apat.

"Boom bagsak! Tumambling, nag-swimming, nag-dive, nangisda walang nakuha!" Pang-aasar ni Ara kay Yen nang itulak siya ni Lia, mabuti nalang at nahawakan ko siya

"Hoy ano ba!" Reklamo ni Yen."Gusto mo atang magkasabunutan tayo rito?" Paghahamon niya.

Tumawa ako sa kabaliwan nila."Go warfreak!" Pang-ch-cheer ko rito.

"Char lang 'yun, sige mauna na ako, nand'yan na babe ko eh." Paalam ni Yen atsaka dumaretso papunta kay Marcus.

"Ganyanan na pala ah?" Ani Lia."Sige, punta na rin ako sa Love ko." Atsaka umalis na.

"Ako rin, bye!" Paalam ni Ara atsaka umalis na rin.

"Mang-iiwan!" Pabiro kong sinabi, tumawa lang si Ara.

Napatingin ako kay Ryder na pinagmamasdan lang ako habang nag-lalakad papalapit sa kanya, nagulat ako ng hapitin niya ang bewang ko papalapit sa kanya.

"Wait a minute," tumingin ako sa kanya atsaka tinaasan siya ng kilay, may kinuha siya sa bench na t-shirt atsaka iniabot sa akin."Wear this for now, boys are drolling over your long shiny legs." Iritado niyang sinabi.

Tumawa ako ng mahina at sinuot 'yun."Okay na?" Tanong ko.

Tumango siya atsaka hinapit ang bewang ko, hinalikan ang noo ko."Yeah, you're still hot as fuck." Aniya.

Yinakap ko ang bewang niya."Hot ka rin naman, tignan mo 'yun oh, pinagtitinginan ka nila." Duro ko roon sa mga babaeng kanina pa kinikilig.

Tumawa siya ng mahina."Don't worry, I'm only yours," aniya, napahinto kami ng tumunog ang bell hudyat start na ulit ang game."Well, it's time to say goodbye for awhile, cheer for me." Tumango ako atsaka hinalikan niya ang noo ko at humiwalay sa akin.

"Teka!" Hinila ko siya atsaka mabilis na hinalikan, napahinto siya saglit."Goodluck kiss." Sabi ko atsaka umalis na at umupo sa bench.

Mukhang natauhan siya ng tinawag siya ng coach niya, napatawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya. Tumingin siya sa akin saglit, nginitian ko siya, umigting ang panga, nabitin ang gago.

Pumwesto na siya sa gitna, napansin kong hindi pa nagsisimula ang game pero mukhang nagkakainitan na, masama ang tingin nila sa isa't-isa na sina Ryder at no'ng lalake sa harapan.

"Mainit na labanan nito." Sabi ni Ares na nasa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya."May nangyari ba kanina?" Tanong ko.

Tumango siya, tumingin sa akin si Cival."Naku! Kung alam mo lang nangyari kanina," sagot ni Cival.

Ngumiwi si Ares."I think they're starting again," napatingin naman ako sa tinitingnan ni Ares.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now