AE 39

1.4K 28 4
                                    

Chapter 39

"Woahh!" I screamed. Napatayo na rin ako dahil sa intense ng laban.

Kanina pa sobrang dikit ng laban at wala sa kahit na sino sa dalawang kampo ang gustong magpaubaya. Half of the fourth quarter na at nagsisimula na akong kabahan.

This is the third game of the finals game. Dito magkakaalaman kung sino ba ang magiging champion for this season. Is it UST? Or UP? But of course... I trust na UP ang mananalo.

This is also Adam's last year as a player of UP since he's in his fifth year, as an engineering student.

"Go UP!" sigaw ko nang makuha ng UP ang bola.

Hindi na 'ko makaupo dahil sobrang intense ng laban. Kung gaano kabilis ang takbo ng mga manlalaro, pakiramdam ko'y ganoon na rin kabilis ang tibok ng puso ko.

"Woahh!" muli kong sigaw at nagtatalon pa sa tuwa nang makashoot ang UP.

"Garcia for two!"

Mas lalo akong napangiti nang kapatid ko ang makashoot. Muli naman akong napaupo at manghinayang nang makashoot ang UST. 85-86 ang score. Lamang lang ng isang puntos ang UP.

Muling nakapuntos ang UST kaya mas lalo akong nanghinayang. Mas lumakas naman ang sigawan ng mga taga USTe at supporter ng mga ito. I sighed heavily, now, UST is ahead of one point. Naupo ang mga tao ng magkaroon ng break ang laro. Muli lang bumalik ang lakas ng sigawan nang magsibalikan ang mga manlalaro sa loob ng court.

I immediately stood up when I saw Bricks' holding the ball. Hindi ko alam kung paano napunta iyon agad sa kanya dahil kanina, nasa UST iyon. Nasa court siya ng UST at unti-unting dini-dribble ang bola patungong court ng UP. He stopped at the center of the court. Akmang ipapasa niya sa isang kateam na nasa right side ang bola but what he did was he passed the ball to my brother.

Mabilis na nasambot ng kapatid ko iyon kaya muli akong napatayo at sigaw. Akala ko'y isho-shoot na ni Charles subalit muli niya lang na ibinalik kay Brickson ang bola at siya ang tuluyang nagshoot noon.

Nagtatatalon na ngayon si GF sa sobrang tuwa. I smiled at her when she glanced at me.

"Aquino for two!"

Nagpatuloy ang laro at nagpatuloy din ang pagscore ng dalawang kampo. Pakiramdam ko'y magkakaroon ng overtime sa sobrang dikit ng laban. My heart beating so fast against my chest while watching the game. Hindi ko na rin magawang umupo sa sobrang kaba. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko na pakiramdam ko'y magkakasakit na 'ko.

My eyes widened and my lips parted. Hindi ko na rin nakontrol ang tili nang makita kung paano mabilis na nakuha ni Adam ang bola sa taga UST. Bantay sarado siya kanina ng dalawang player ng UST, ah! Ngayon ay nasa kanya na agad ang bola at mabilis na tumatakbo sa court nila.

I clapped my hands when he scored but the loud beats of my heart didn't vanish especially when I saw the score above. Kanina lang, tie ang laban at ngayon, kahit nakascore si Adam, lamang pa rin ng tatlong puntos ang UST.

Less than one minute na lang ang natitira at ganoon na lang kabilis ang pagbaling ko sa court nang lumakas ang sigawan ng mga tao.

"U-Nibersidad. Ng Pilipinas. U-Nibersidad. Ng Pilipinas. U-Nibersidad. Ng Pilipinas!"

"Go Adamson!"

"Go Kuya!" I heard Kendra's loud scream beside me.

Nang tuluyan akong mapatingin sa court, I saw Adam running so fast towards their ring. Halos kapusin ako ng hininga nang huminto siya sa gitna. Gusto ko siyang sigawan na dapat, nagdiretso na siya papasok at ish-in-oot iyon pero bago ko pa magawa, lumipad na sa ere ang bola. Parang nag slow motion ang lahat habang unti-unting lumalapit ang bola sa ring ng UP.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon