AE 6

2K 56 7
                                    

Chapter 6

Nagising ako na para bang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit. Hawak ang ulo at nanatiling nakapikit, unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga.

"Lintek! Ang sakit ng ulo ko!" inis kong wika, hinihilot ang sentido na para bang matatanggal agad ang sakit.

"Ah putangina!" malutong na mura ng aking katabi. "GF, ang sakit ng ulo ko," dagdag ni Daniella, tunog nagrereklamo at nagpapaawa.

"Akala mo ikaw lang... masakit din u—" hindi ko na natapos ang sasabihin.

Mabilis akong tumakbo ng banyo at dire-diretsong sumuka sa inidoro. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa pagsuka. Ang pait at ang asim din ng panlasa ko. Amoy na amoy rin ang mga alak na ininom ko lalo na noong lumabas sa ilong ang amoy.

Ugh! Kadiri!

"GF okay ka la—" hindi na rin natapos ni Daniella ang sasabihin. Narinig ko ang pagtakbo niya patungong lababo rito sa loob ng banyo. Panay ang duwak at suka niya roon kaya muli akong nasuka.

Tangina!

Nanghihina akong napaupo sa sahig at sumandal sa pader nitong banyo. Nang magmulat kita ko agad si Charles na nasa pinto ng nitong banyo, parang modelong nakasandal doon. Magkakrus ang magkabilang braso, may ngisi sa labi habang pinanonood kaming nagdurusa.

"Charles!" nanghihingi ng tulong kong tawag. Itinaas ko pa ang dalawang kamay para mahila niya 'ko patayo.

"Masakit ulo mo?" nanunuya niyang tanong.

Tumango ako, nagmamakaawang tulungan n'yang makatayo.

"Iyan ang napapala n'yo. Inom pa!" aniya, nanatiling nakasandal sa pinto. Mukhang walang balak na tulungan ako. Mabilis akong na badtrip.

"Umalis ka na nga!" taboy ko sa kanya saka umirap. Inis akong nagsumikap makatayo. Hindi pa tuluyang nakakatayo, napaupo na ulit ako. "Leche!" inis kong sigaw.

Pumikit ako at nanatiling nakaupo. Maya-maya, narinig ko ang pag flush ng toilet.

"Iinom-inom hindi naman pala kaya!" sermon sa 'kin ni Charles habang pinapahiran ng tissue ang bibig ko. He gave me a glass of water to drink. Ininom ko iyon at ibinigay muli sa kanya.

Ilang sandali lang, naramdaman ko na lang na may brasong pumulupot sa hita at braso ko. When I opened my eyes, I saw my brother. He was carrying me to bed. Ibinaba n'ya 'ko sa kama at masama agad ang tingin sa akin.

He gave me one sharp look before he walked back to the cr to help GF.

Nahiga akong muli sa kama. Inaantok pa ako at sobrang sakit pa rin talaga ng ulo. Muli akong nagising nang medyo maayos-ayos na ang pakiramdam. Kumikirot pa rin ang ulo pero hindi na katulad kanina.

Dumiretso akong banyo para maghilamos at magtoothbrush. Amoy na amoy ang alak sa hininga ko. Ang baho!

Naligo na rin ako. Amoy alak din ang katawan ko at pakiramdam ko'y sobrang lagkit ko na. Nakakainis!

Nagbihis lang ako ng damit na kinuha ko sa closet ni Charles at shorts ko. Paniguradong magagalit iyon kapag nakita n'yang pinakialaman ko na naman ang damit n'ya. Sasamaan lang naman ako ng tingin noon pero wala na siyang magagawa.

I didn't blow dry my hair, hinayaan ko na iyong basa at kusang matuyo. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng kahit na ano sa mukha. Hindi naman ako aalis at maghapon lang dito sa condo, mag-aayos ng gamit na dadalhin pauwi ng Batangas bukas.

Pagbaba ko ng sala, nakita ko sa wall clock na ala-una na ng hapon?!

What the hell!

"Good afternoon GF. Kain ka na ng brunch, ipinagluto kita." Sarkastiko at pang-asar na bungad sa 'kin ni Daniella.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon