AE 52

1.2K 34 8
                                    

Chapter 52

Napakurap-kurap ako. Hindi na kayang i-check lahat ng pictures dahil nanginginig na ako sa nararamdaman na emosyon. Nagsimulang manikip ang aking dibdib.

"GF, I already talked to Adam and he told me na ayaw mo muna raw siyang kausa—"

"GF please lang..." nakikiusap ang boses ko habang mariin na nakapikit. I tried to calm myself but I couldn't.

Parang ano mang oras ay sasabog na ang puso ko sa inipon na sakit.

My eyes were still closed when we both heard a knock from the door. My mind was too preoccupied to even check it. Para na akong mababaliw sa mga naiisip.

Hindi ako selosang tao. I've been in this industry for years and I encountered a lot. I knew a lot. At sa ilang taon na magkarelasyon kaming dalawa, may mga rumor na maririnig at mababasa pero hindi namin iyon pinagtutuunan ng pansin dahil pareho namin alam ang totoo.

Marami ring pagkakataon na may nagtangkang manligaw sa akin kahit pa nasa isang relasyon ako pero hindi ko kailanman naisip na lokohin si Adam. I didn't entertain anyone and I will never do that! Because I am in love with him.

Lahat din ng iyon, alam ni Adamson. Lahat ng iyon, sinasabi ko kanya at wala akong tinago miski isa dahil ayaw kong matulad kami sa iba.

Pero...

Kung gaano ko kagustong protektahan ang relasyon namin, ganoon pala niya kadali iyong wasakin.

I swallowed hard.

Ayos lang din sa akin kung may umamin na may humahanga kay Adam dahil hindi naman iyon mapipigilan. He's a public figure. An athlete. At kilala pa sa larangang kinabibilangan niya kaya normal lang iyon. Kaya kong tanggapin iyon.

Pero ito, itong tungkol sa kanilang dalawa ang hindi ko kaya. Hindi ko kayang palampasin. Hinding-hindi ko kayang balewalain.

Okay lang sana kung katulad noon na walang basehan. Katulad noon na alam ko.

Pero hindi e.

Tila pinipiga ang puso ko sa hapdi ng nararamdaman.

Iba rin pala talaga kapag nasa harap muna. Iba kapag may ebidensya. Iba kapag nakita.

"Faith!"

Mabilis kong nabitawan ang cellphone na hawak nang marinig ang boses ni Adam.

So he was the one who's knocking the door!

Damn him!

I opened my eyes and raised a brow. Agad na tumalim at lumalim ang tingin ko. Mabilis din ang naging pintig ng aking puso habang naglalakad siya papasok.

Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin!

I immediately stood up and walked towards him. Nanginginig ang kamay, malakas ang kabog ng puso ko nang lumagapak ang aking palad sa kanyang pisngi.

"Sinungaling ka!"

Namamanhid ang kamay ko sa ginawa. Nag-alab ang aking dibdib ngayong nasa harap ko siya.

Parehas silang natigilan ni GF. Daniella covered her mouth in shock but then she immediately turned his back against us and without saying anything, she went out.

Hindi ko na iyon pinansin at ipinukol ko ang paningin sa taong nakatayo sa aking harap.

"Sobrang sinungaling mo, Adamson!" Ramdam ang hinanakit sa boses ko. Mas nanikip ang aking dibdib at parang kay hirap huminga.

Nanatiling nakagilid ang kanyang pisngi, umawang ng bahagya ang kanyang labi sa gulat at kita ko na nasaktan siya. Bahagyang namula ang kanyang pisngi sa ginawa ko.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now