Start

4.2K 72 56
                                    

Ariadne Faith Celesthine Garcia.

Tumili ako at halos maihagis ang cellphone nang mabasa ang buong pangalan sa listahan ng mga nanalo sa libreng ticket ng favorite singer ko.

Damn!

After ilang years ko ng pananalangin sa tuwing magko-concert si Janne, at sa tuwing may mga mamimigay ng ticket... sa wakas! Nakasama na rin ako!

Natigil ang pagtili ko nang nagmamadaling pumasok ang Nanay sa loob ng bahay.

"Ano yon? Ba't ka sumisigaw riyan?" nagtataka ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

I smiled cutely at her. Nagpapa-cute at humihingi ng paumanhin sa malakas kong pagtili.

Agad akong tumakbo patungo sa kanya. Mas lalo pang nakaramdam ng pagka-excite.

Isang yakap ang iginawad ko sa kanya.  Tuwang-tuwa at halos maiyak na.

" 'Nay!" aniya ko at tuluyan ng umiyak.

"Bakit ba? Ano bang nangyayari sa iyong bata ka!" mas lalo kong nakitaan ng pag-aalala ang mukha nya.

Tumawa ako at pinahid ang luha.

Unti-unti kong ipinakita sa kanya ang aking cellphone.

"Nanay kasali ako! Manonood ako ng concert," tuwang-tuwa ko naman na sabi.

Sa sobrang tuwa ko'y niyakap at hinalikan ko pa sya sa pisngi.

"Saan? Ikaw na bata ka, wala tayong pera pambili alam—" I cut her off.

"Nanay libre 'to! Wala pong gagastusin. Pamasahe lang po!" paliwanag ko kaagad dahil alam ko na kung saan patungo ang sinasabi nya.

We're not rich.

I'm the breadwinner of the family kaya bata pa lang, natuto na akong magsumikap. Masasabi kong lahat ng mayroon ako, pinagsumikapan ko.

My mother died when I was 5. Kasabay ng kanyang pagkamatay ay ang pagsilang naman nya sa nag-iisang kong kapatid.

Lumaki kami ng kapatid ko na ang tanging kasama ay ang aming Lolo at Lola. Ang magulang ni Mama.

My Father?

I don't know!

Simula pagkabata hanggang sa nagkaroon kami ng muwang, ng kapatid ko, we never met him. We never met our father. Kaya ang laki ng paghanga ko at talagang napapatitig ako everytime na nakakakita ako ng kumpletong pamilya. Lalo na kapag sobrang saya nila.

There's a part of me na umaasang one day, makita ko din ang tunay naming ama, though, we don't have any idea kung sino sya. Kung anong pagkatao nya. Kung taga saan sya. Kung anong pangalan nya. Kung anong itsura nya. Lahat yon hindi ko alam. Walang nakakaalam maging si Nanay at Tatay. Tanging si Mama lang!

Basta ang kwento lang sa'kin ni Nanay, highschool lang ang natapos ni Mama, pagkagraduate nya, nagtrabaho na agad.

Nagtrabaho si Mama sa Makati then after almost two years umuwi si Mama na buntis na, sa akin.
Tinatanong nina Nanay kung sinong ama pero walang maisagot si Mama. After two years, nalaman daw ulit nila na buntis si Mama kay Charles.

The day na nanganak si Mama, iyon din ang araw na kinuha sya sa'min. Masasabi kong blessed pa ako dahil kahit sa maiksing panahon naranasan kong alagaan ng tunay naming ina at kahit hindi ko maalala atleast nasaksihan ko ang mukha ni Mama, but for Charles, he never felt ang pagkalinga ni Mama.

Kaya bukod kay Nanay at Tatay na parehas may edad na, ako ang nag-alaga sa aking nag-iisang kapatid. Pagkatapos ng eskwela, mabilis akong didiretso sa school ni Charles para sunduin sya. Pagka-uwi ay tutulungan ko naman si Nanay na magtinda sa maliit naming tindahan. Doon lamang kami kumukuha ng panggastos sa araw-araw kaya kahit mahirap, nagsumikap akong mag-aral.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon