AE 8

1.8K 56 4
                                    

Chapter 8

Inihatid ako ni Adam hanggang sa basement ng building na tinitirhan ko. Naro'n na ang kotse ko nang makarating kami.

I invited him to our unit because I know that Bricks was there. Tumanggi nga lang s'ya at mukhang may pupuntahan pa kaya hindi ko na pinilit.

Paakyat na 'ko ng hagdan pa second floor sa unit namin nang madatnan si GF at Bricks na kumakain sa may dining.

"GF, breakfast?" tawag sa 'kin ni Daniella.

I stopped and looked at them. GF looked innocent while smiling at me. I rolled my eyes at them.

"Tapos na 'ko!" wika ko at magpapatuloy na sana sa pag-akyat.

"Talaga? Sa'n kayo kumain?" kuryoso ngunit halata mong may tinatagong pang-aasar ang tinig ni GF.

Muli akong bumaling sa kanila. Hindi ko na napigilan at naglakad na 'ko patungong dining kung nasaan silang dalawa. They are both wearing a huge smile while looking at me even though it was obvious to my expression that I'm annoyed.

Nakakuyom na ang kamao ko at nanggigigil ngunit pigil na pigil akong masabunutan si GF nang makalapit sa kanya.

They both chuckled at my reaction. I look like a mother trying to calm and control herself, para lang hindi masaktan ang makulit na anak.

"Bakit ba palagi mo akong iniiwan kapag andyan si Adam?" I asked her.

"I didn't left you. Ibinilin kita ro'n sa tao," she defended herself.

I rolled my eyes again, hindi kayang tanggapin ang sagot n'ya.

"Nang dahil do'n, nagkautang ako!" sumbat ko sa kanya.

Her eyes widened but her smile didn't fade. "What?"

"What," I mockingly mimicked her as my eyes widened.

"Calm down, GF. Masyado kang galit na galit," Dani laughed. Ang dalawang palad niya ay nakaharap sa akin na para bang pinaka kalma ako.

"Because it's your fault. Ikaw magbayad do'n," I said and crossed my arms.

"Why me? Ako ba ang nangutang at nakinabang?" she asked, pointing herself. "Atsaka ano bang inutang mo ro'n? Para kang problemadong-problemado na hindi makakabayad."

"Nakipag pustahan ako!" I pouted irritatedly. Naalala ko na naman iyon laro namin kanina kung saan wala talaga akong laban sa kanya.

"Ano naman pinagpustahan n'yo?" Ani GF, nakakunot ang noo ngunit may ngisi sa labi.

I sighed heavily. I don't want to tell them but since I have already started, I need to continue telling them what happens.

"Hinamon n'ya 'kong maglaro ng badminton..." hindi pa 'ko tapos, tumawa na agad si Brickson.

"E'di talo ka!" he said like he already figured out what is going to happen in the future.

I glared and winced at him. "Bakit parang masaya ka?" mataray kong wika.

He laughed again.

"Ang tanga naman ne'to! Bakit ka nakipag pustahan?" si GF na inunahan ng sumagot ang kanyang boyfriend.

"I didn't know na matatalo ako!" I said, trying to explain myself.

"Mahilig 'yon sa sports." si GF, para bang naaawa sa akin.

"Anong consequences?" it was Bricks who asked.

"Libre," walang gana kong sagot at umirap.

"Libre lang pala!" si GF, nawala ang awa sa mukha n'ya.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon