AE 44

1.4K 30 11
                                    

Chapter 44

Antok at namumungay pa ang mga mata ko nang nagising kinabukasan. I woke up six o'clock early in the morning. Around twelve na 'ko ng madaling araw nakatulog kanina dahil tinapos pa ang mga dapat tapusin. Saktong alas dose naman umuwi si Adamson sa kanila.

Mabuti na lang at nakapag-impake na ako ng mga damit na dapat dalhin no'ng isang araw pa.

"Anong oras alis ninyo ni Adam?" GF asked while checking herself in front of the mirror.

I yawned and stretched my arms in the air. Nakaupo na ako sa gilid ng kama at nakapulupot pa ang comforter sa katawan. Antok na antok pa talaga ako at tamad na tamad kumilos ngayon na kulang sa tulog.

"Hindi ko sure. Kung kailan dumating si Adam," inaantok kong sabi at humikab ulit. Inabot ko ang cellphone na nasa side table, just to check if Adam send a message to me.

Napanguso at ngiwi ako nang makitang wala pa siyang message. Ibig sabihin, tulog pa ang isang iyon. Ang tanging naroon ay ang kapapasok lang na mensahe mula kay Charles at sa iba ko pang kakilala.

Charles:
Magtext ka raw kapag paalis na kayo para aalis na rin kami.

Ako:
Kakagising ko lang.
Baka mamaya pa kami makaalis. Wala pa rin si Adam.

I replied. My brother replied immediately and it was cold as ice.

Charles:
K.

Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Suplado na nga, tamad pang mag reply ng ayos. K? Ano 'yon? Kulang na lang hindi niya ako reply-an. Parang napilitan pa!

Kapag ito nagka girlfriend, tingnan ko lang kung hindi mainis girlfriend niya kapag ganyan palagi mga reply niya.

Minsan talaga naiisip kong ireto si Charles sa mga kakilala ko. 'Yong madaldal para kahit kaunti, mahawahan siya ng kadaldalan at hindi 'yong laging tahimik at akala mo hindi maalam ngumiti sa sobrang suplado ng hitsura.

Tumayo na ako at nagdiretso ng bathroom para makaligo at mag-ayos.

"GF, nandito na si Bricks. Una na kami!" she said and gave me a peck on my cheek.

Kakalabas ko lang ng cr at nakapulupot pa ang towel sa buhok ko. Tanging bikini swimsuit at pink bathrobe lang ang suot ko. Samantalang siya'y nakasuot na ng denim shorts and sleeveless top. Isang beach bag bukod sa isa pang bag ang bitbit niya. She smiled at me before she bid her goodbye. Mauuna na sila roon at susunod na lang kami ni Adam.

I sighed again when I realized that I'm the only one who's here, aside kay Arson na nasa kwarto na ngayon.

"Behave ka muna dyan, ha," kausap ko sa kanya at nagsimula ng mag-ayos.

I chose to wear a green pineapple print push up high waisted bikini swimsuit. It was inside my mint green tie backless puff sleeve schiffy crop top and distressed white high waisted denim shorts. Nagbo-blower na ako ng buhok nang maisipan na tawagan si Adam.

Sa pangalawang tawag, doon pa lang niya nasagot.

"Hmm..." he said hoarsely. Halatang kakagising lang.

"What time are you going here?" I asked as I blow dry my hair. Naka-loudspeak iyon at nakababa sa may vanity table.

Hindi agad siya nakasagot kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

"Give me thirty minutes, nandyan na 'ko," namamaos pa rin ang boses niya. Halatang antok pa pero narinig ko na ang pag-alis niya sa kama at alam ko ng mag-aayos na siya.

"Just text me kapag nasa basement ka na." ani ko.

"Okay. I'm gonna take a shower na," aniya.

Tumango ako kahit hindi naman niya kita. "Ie-end ko na. See you later. Ingat ka!" bilin ko.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now