AE 35

1.6K 45 2
                                    

Chapter 35

For the past months after we graduated, GF and I didn’t get nor tried to apply for any job. We both decided to focus on the board exam. We enrolled in a review center at ang naging income namin ay ang lumalaki nang GF Cosmetics.

We didn’t expect na lalago ang GF Cosmetics ng ganito. We’re very happy knowing that many people trust our products. Sobrang saya namin dahil nagustuhan nila ang mga produktong binebenta.

We also started to build an office since nagstart na rin kaming maghire ng mga empleyado para mas dumali ang trabaho. Dahil nga lumalago at mas nagiging in demand na siya ngayon, hindi na talaga namin kaya ni GF lalo pa't nagrereview din kami. Halos araw-araw, libo ang order na dumarating at ipinapadala namin.

Nasa sala kaming dalawa ni Daniella at nagkalat ang mga libro, scratch papers and reviewers nang dumating ang magpinsan. Kakaakyat lang ni Charles sa kwarto niya. Medyo bugnot pa nga dahil manonood ata ng Netflix sa TV pero dahil kami ni GF ang unang pumuwesto, wala siyang nagawa kundi umakyat ng kwarto. Paniguradong doon na iyon manonood o 'di kaya'y matutulog na lang.

“Hey!” Brickson's voice echoed inside the unit.

“Ingay mo!” I said as my brows furrowed a bit. Medyo nairita dahil nadistract ako sa pagbabasa.

Brickson chuckled at ang loko, imbes na manahimik, nang-irita pa bago dumiretso kay Daniella.

He kissed GF cheek and before he sat on the sofa behind GF, he glanced at Adam with a smirk on the side of his lips, like his teasing or saying something to his cousin using his eyes. I took the pillow behind me, beside Adam and threw it to Brickson.

“Ohw!” Adam chuckled dahil sapul iyon sa mukha ni Brickson.

“What?” Bricks asked innocently. Medyo kunot ang noo ngunit may ngisi sa labi.

“Kung anu-ano na naman tinuturo mo sa pinsan mo!” I said, glaring at him.

Brickson sighed in disbelief.

“Hoy ‘wag kang palabintang Ariadne. ‘Yan pa nga may itinuturo sa akin,” katwiran n’ya at sumulyap kay Adam.

I glared at him sharply before my eyes turned to Adam.

“Ano?” Adam asked defensively.

“Ano ka pa dyan,” sagot ko at mas sinamaan s’ya ng tingin.

He was trying his best to be serious but he couldn't contain his smile. Kahit anong pilit na itago, kusa iyong lumalabas at nagpapakita.

“Ano?” aniya at natatawa nang hindi ko pa rin tinatanggal ang masamang tingin na ipinupukol sa kanya.

“Tawa?” ani ko at pinandilatan siya ng mata. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon sa kanya.

“Taray mo!” Adam commented and ruffled my hair. “Red days?” he teased, bago binuhat si Arson na kadarating lang at parang bata na nagmamadaling tumakbo patungo sa ama.

“Hey!” Adam said to Arson. “Come here baby,” he said in a low and sweet voice. He lay down on the sofa behind me as he lifted Arson in the air.

“What did you do to your mother?” he asked Arson. “Badtrip Nanay mo!” Adam chuckled and Arson barked.

Mas lalong tumawa si Adam at naramdaman ko ang mga paa ni Arson na umaakyat sa balikat ko. I closed my eyes, laughed a little as I moved my face a bit away from Arson when I felt his tongue licked my cheeks.

"Arson!" ani ko, natatawa at patuloy na iniiwas ang mukha sa kanya.

I heard Adam's chuckle at my reaction. Mabilis akong napatingin sa kanya, halos manlaki ang mata at kumalog ang puso sa gulat nang makita kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now