AE 2

2.1K 63 12
                                    

Chapter 2

"Hi everyone! I'm Ariadne Garcia and welcome back to my channel!" Intro ko sa aking vlog.

"So for today's video, siguro naman nabasa n'yo na 'yong title and yes po! Sa lahat ng nagko-comment and nagsa-suggest ng challenge na 'to... gagawin ko na po.” I smiled. “Kanina, before ako magstart na magvideo, may nabasa si GF sa comments na magandang suggestion. So lalagyan natin ng edition. That's why for this vlog, I'm going to do the 'Jojowain o Totropahin, UAAP Men's Basketball Players edition', " paliwag ko.

"And dahil siya 'yong nakakita and nakabasa ng suggestion na 'yon... Now, I'm with the 'Puhunan ng Lady Maroon!'" pumalakpak ako, inaasar si Daniella. Pabiro naman niya 'kong inirapan kaya mas lalo akong natawa.

"Jersey number seven, Daniella Marqueza!" sabi ko sa harap ng camera. "GF!" sabay higit kay Daniella na nasa gilid ko at hindi kita sa camera kanina.

"So… we have a bowl here with papers inside where UAAP Men's basketball players' names are written on it. Bububot kami—"

"Kami?!" gulantang na wika ni GF, hindi ko pa tuluyang natatapos ang sasabihin.

"Oo, kami! Kami ng camera," pilosopo kong sagot.

Umirap siya. "Ba't ako kasali?"

I smirked. "Ba't mo dinadamay sarili mo?"

"Tanga ka ba?" she asked.

"Tanga ka ba?" I asked back.

"Tangina mo!" She mouthed at me before she rolled her eyes.

I chuckled. Hindi na sumagot pa dahil walang patutunguhan ang pinag-uusapan namin.

Ang unang plano dapat ako lang at siya lang 'yong bubunot ng pangalan ng Totropahin o Jojowain. Pero habang nagre-record, naisip kong idamay siya. Kanina noong hindi pa kami nagrerecord, I asked her to join but she immediately said, "No!"

Now, she has no choice but to play the challenge with me. Masama na ang tingin niya sa 'kin at wala s'yang magawa kasi nagrerecord na kami. I even threatened her that I'm not going to cut any of her parts, that's why she really has no choice.

Tumawa ako sa itsura niya.

"Are you ready GF?" I asked her. May ngiti sa labi.

"Ha?" si Daniella.

"Hamburger," sabay naming wika.

Patagal nang patagal, pawalang kwenta ang pinag-uusapan namin dalawa.

"Ready na 'kong malaban kung sino-sino mga type mo. Akala mo!" mataray n'yang sabi at nagtaas pa ng isang kilay.

Ngumiwi ako kaya tumawa siya.

"Ready na rin akong makitang mag-away kayo ni Bricks," ganti ko.

"Hindi 'yon mangyayari," agad niyang sagot. "Shout out sa boyfriend ko. This is just for fun, babe!" aniya.

"Tingnan natin..." I said meaningfully.

"Now let's start the...  Totropahin o Jojowain UAAP Men's Basketball Players edition!" Sabay naming wika.

Ako ang unang bumunot at ang nabunot ko ay si Mark Salisi ng La Salle.

"Totropahin," mabilis na sagot ko.

"Why?" GF asked.

"May explain pa?" balik tanong ko. Pero sabagay, ang pangit naman kung puro isang word lang ang sagot.

"Sige... sige!" sabi ko at hindi na hinintay pa ang pagsagot niya. "Never ko pa s'yang na-meet," diretsahan kong sagot. "Napanood ko s'yang maglaro, once pa lang and magaling siya." I explained dahil matunog ang pangalan niya as a player ng La Salle. "I saw some of his pictures on the internet and wala... I think mabait siyang maging kaibigan so Totropahin." Tumango-tango pa 'ko.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon