AE 7

2K 58 7
                                    

Chapter 7

I'm going to film later for my next vlog. Drop all your questions that you want me to answer. 😊

I posted it on my twitter. Binalikan ko lang iyon pagkatapos ng dalawang oras. Naggawa kasi ako ng assignment sa isang subject namin.

I received a lot of notifications on my twitter from likes, retweets and comments for my newest tweet. I started to read the comments from the top. Nilagyan pa nila iyon ng #AskAriadne.

I clicked the #AskAriadne so I can find easily all the questions. Natawa pa ako sa nabasa.

#AskAriadne Kumain ka na?

Muli akong napangisi. Luh pa fall!

I picked some questions that I will answer later. I went back to my news feed and saw GF's latest retweet with comments at ang like ni Brickson. It was Adam's retweet with a comment on my post.

Bricks Aquino liked
Adamson Trevino @KingAdamTrevino •1h
Nasaan na ang libre ko?
Ariadne Garcia @FaithCelesthine •2h
I'm going to film later for my next vlog. Drop all your questions that you want me to answer. 😊
🗨️8,203 🔃10,789 💟18,768

My eyes widened. I scrolled down my screen a bit and the next retweet that I saw was from GF.

Daniella Marqueza @GiannaDaniella •1h
Hala! Nag-uusap ulit kayo? Ano 'to GF @FaithCelesthine ? Bakit may libreng magaganap?🙈 twitter.com/KingAdamTrevino... twitter.com/KingAdamTrevino...
🗨️3,078 🔃5,875 💟9,689

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Sa simpleng tanong na iyon ni Adam, nag trending agad kaming dalawa. Ito naman si GF akala mo wala talagang kaalam-alam. Pwedeng-pwede na 'to mag-artista, galing ng umarte.

Akala mo hindi ko ikinuwento sa kanyang muntikan na akong ma-late sa meeting na iyon kung hindi lang ako sinabay ni Adam. Sa sobrang taranta at pagmamadali ko, nasabi ko tuloy na ililibre ko s'ya.

Ito namang si Adam, bakit kailangan niya pang i-retweet with comment 'yong post ko. Pwede naman i-DM niya na lang ako para iwas issue.

I clicked Adam's icon so I can go to his account. His icon was him. He was wearing a maroon UP's basketball jersey. Hawak ng kanang kamay ang award niya bilang Finals MVP at sa kaliwa, trophy ng UP as a champion. Kagat n'ya ang medalyang nakasabit sa kanyang leeg at masaya ang matang nakatingin sa camera.

His header was also him. White jersey naman ng UP ang suot niya roon. Nasa ere s'ya at akmang isho-shoot ang bola sa ring na kita rin sa picture. My eyes went to his bio.

Adamson Trevino
@KingAdamTrevino   Follows you
Student Athlete • Model • Fighting Maroon
instagram.com /KingTrevino
214 Following   989K Followers
Followed by Bricks Aquino, Daniella Marqueza and 15 others

Hindi na 'ko nag-abalang tingnan ang tweets n'ya dahil hindi naman iyon ang pakay ko.

I clicked the message sign to message him but I immediately clicked the back button of my phone. Kailangan kong balikan iyong post n'ya at i-share sa DM. Hindi pwedeng basta lang ako magcha-chat ng kung ano sa kanya.

Me:
Uso DM 🤨

I typed with matching emoji. Para mas feel. He replied immediately.

Adamson Trevino:
Uy!
Hi, miss!

I raised a brow. Ang bilis ah!

Me:
Naka-on ba notifications mo sa mga post ko?

Hindi agad siya nagreply. Malakas ang pakiramdam kong naka-on nga ang notification n'ya sa mga post ko. Sigurado akong nabasa na n'ya ang message ko pero hindi lang siya nagrereply agad.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon