AE 11

1.7K 42 4
                                    

Chapter 11

Naglalagay akong liptint sa harap ng vanity mirror habang si GF naman, busy maghanap ng susuotin.

I'm wearing a long sleeve burgundy tie-front shirred polka-dot print top, white high waist jeans and black open toe ankle strap pumps. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba at bagsak na bagsak kong buhok at nagsuot ng baseball cap. Hindi na 'ko nag-abalang maglagay ng makeup, ayos na 'kong liptint na lang.

I also wore a necklace, wristwatch, and bracelet. Kinuha ko ang sling bag na aking dadalhin.

"GF, are you done?" I shouted to Daniella.

"Yeah, wait!" she shouted back.

Ilang minuto pa, lumabas na rin siya sa walk-in closet. She was wearing a crop top, denim jeans with gucci belt and heels. She curled her hair at nagpatong ng denim jacket sa balikat. Nang makita niya na may suot akong baseball cap, agad siyang bumalik ng closet. I smirked coz when she went back, she's also wearing a baseball cap.

We took a picture in a whole length mirror. Nagtawanan kaming dalawa nang tingnan ang kuha namin. We look like a twin. Kung hindi lang ako mas matangkad sa kanya, mas lalo na kaming nag mukhang kambal.

When we went downstairs, agad na bumungad sa amin si Nanay at Tatay na manonood din ng finals. Hindi nila ito palalagpasin lalo pa't kasali si Charles.

GF was the one who drove the car. Bumaba kami sa may carpark ng Arena at agad na t-in-ext sina Rose. Usapan namin ay magkikita kaming apat sa labas bago sabay-sabay na pumasok sa loob.

Jeremy and Rose greeted Nanay and Tatay when they both see them. Kilala ang dalawa ng magulang ko dahil tuwing fiesta sa lugar namin sa Batangas, lagi silang naroon.

Pumasok na kami sa loob at sobrang lapit namin sa court. Binati ko ang mga kakilalang nakita at nakipicture sa iba. When my brother saw Nanay and Tatay, he immediately went near the railings. He talked to our grandparents and before he went back to the court, Charles kissed our grandmother's forehead.

Napangiti ako at tila ba may humaplos sa aking puso. Even though he's always serious and quiet, I cannot deny the fact that when it comes to me and Nanay, he has a softest heart. Kaya ang dami rin na nahuhumaling sa isang 'yan. Pasimple daw kasi ang pagiging sweet at ang pagpapakita ng concern.

Si GF at Rose, busy na sa mga jowa nila. Luckily, UP ang nakapasok sa Finals dahil natalo nila ang Ateneo sa semis. At ngayon na finals, La Salle naman ang kakalabanin. Sa unang game ng finals, La Salle ang nanalo. The second game, UP won. At sa game na ito magkakaalamanan kung sino ang magwawagi.

Jeremy nudged me. Kaming dalawa na lang ang natira rito sa upuan dahil nga lumalandi na iyong dalawa.

"Hindi ka pupunta ro'n?" he whispered.

I stared at him. "Saan?" tanong ko, nagtataka.

Tinuro niya kung nasaan si GF. "Walang nag-aantay sa 'yo sa may baba?" he teased me.

I glared at him and pulled some strands of his hair.

"Ouch ha!" reklamo n'ya at hinawakan ang buhok.

Ginantihan n'ya 'ko at hinila rin ng bahagya ang buhok ko. Minura ko siya ng walang boses.

"Back to you," he responds and laughed. "Si Christian," wika niya sa gitna ng pag-uusap naming dalawa.

Sinamaan ko na naman s'ya ng tingin pero tinawanan n'ya lang ako.

"Tantanan mo 'ko!" irap ko at hindi na s'ya pinansin.

"Taon-taon ata iba kasama no'n," patuloy na bulong ni Jeremy sa 'kin. Muli akong bumaling sa kanya.

"Hayaan mo siya," walang pakialam na sagot ko. Panay naman ang bulong at comment n'ya kay Christian.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now