AE 19

1.4K 33 4
                                    

Chapter 19

Kabado ako habang naglalakad kami ni Adam paakyat ng second floor. Nanay and Tatay were already there, nakaupo na sa mahabang sofa ang dalawa at kami na lang ang inaantay. Iniwanan namin sa salas sina GF na kumakain ng desert na nagawa na.

"Maupo ka hijo..." si Tatay sa mahinahon na boses habang iminu-mwestra ang isang upuan kay Adamson.

Adam sat down on a single sofa. Tatay cleared his throat before he spoke. Nanatili naman akong nakatayo sa likod ng isa pang single sofa, kaharap ni Adam.

"Ano nga ulit ang sadya mo sa apo ko?" panimula ni Tatay.

Adam shifted his weight. Nakita ko kung paano s'ya lumunok ng isang beses bago nagsalita.

"Gusto ko po sana manligaw sa apo n'yo," si Adam sa baritono ngunit naroon ang paggalang sa boses nito.

Napaayos ako ng tayo. My heart started to beat faster than normal especially when I felt Tatay serious gaze to me. I swallowed hard and calmed myself. Pakiramdam ko'y pagagalitan ako.

"Adam!" tawag ko rito.

He was already staring at me when I called him. Palihim ko siyang pinanlakihan ng mata.

" 'Tay, mag-uusap lang po kami ni Adam..." agad na umiling si Tatay para pigilan ako at ibinaling agad ang paningin kay Adamson.

"Mamaya na kayo mag-usap dalawa. Bibigyan namin kayo ng Nanay mo ng oras para makapag-usap." Anito.

"Ikaw ga iyong nasa video na'reng apo ko?" mahinahon na tanong ni Nanay. Naningkit ang mata niya na para bang kinikilala kung si Adam nga iyon.

Pinigilan kong matawa.

"Yes po!" Adam answered.

"Ikaw rin iyong kasamahan ni Charles sa basketball, hindi ba?" si Nanay ulit.

Tumango si Adam. "Opo!"

"Matagal na ga kayong magkakilala nitong si Ariadne?" patuloy ni Nanay.

"Pinsan po s'ya ni Bricks, 'Nay," ako na ang sumagot.

"Mabalik tayo sa usapan hijo..." Tatay said the reason why my heart pounded more. "Gusto ko iyang ginawa mo," ani Tatay at bahagya pang tinuro-turo si Adam.

I glanced at Adam. He licked his lips at bahagyang yumuko. Kahit hindi halata, sigurado akong nakangisi na 'yan.

"Maganda iyang nagpapaalam muna sa magulang at sa bahay manliligaw hindi iyong kung saan-saan," panimula ni Tatay. Hindi ko alam kung nanenermon ba o nagbibigay ng payo.

I almost rolled my eyes. Gusto ko sanang sabihin na ayaw kong magpaligaw pero ayoko rin naman mapahiya si Adam sa harap ng magulang ko.

"Ano nga ang pangalan mo hijo?" Tatay asked in serious voice.

"Adamson po. Adam po," magalang na sagot ng kausap.

"Adam," ulit ni Tatay sa pangalan ni Adamson na tila ba nag-iisip. "Ikaw ga'y sigurado dyan sa panliligaw mo? Gusto kong ngayon pa laang tayo eh nagkakaintindihan na." Ani Tatay sa Batangueño'ng tono. Inihawak pa ang kamay sa kanyang hita at mayabang na tumango sa kaharap.

"Kami'y may usapan n'yan, hijo. Magtapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon. Kaya tatanungin muli kita... ikaw ga'y seryoso dine sa apo ko?" kinakabahan ako sa pang-iinteroga ni Tatay. Lalo na sa magiging sagot ni Adam.

Ayaw ko man itong ginagawa n'ya ngunit may kung ano sa akin na gustong malaman kung talaga bang seryoso s'ya. Gusto kong malaman ang magiging sagot n'ya.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now