AE 20

1.5K 29 11
                                    

Chapter 20

Tsk. Inis na inis ako habang magkakrus ang brasong pinagmamasdan ang tulog na si Adamson sa harapan ko.

Anong gagawin ko sa lalaking 'to ngayon? Hindi ko 'to pwedeng hayaan dito na lang matulog.

Bumuntong hininga ako at mas lalong pinagmasdan si Adam. He looked serious and snobbish while sleeping. Walang pinagkaiba kapag gising. At ngayong nakapikit at tulog, mas nadepina ang mahaba n'yang pilikmata at makapal na kilay.

Umiling ako at nag-isip kung paano s'ya madadala sa kwarto. I tried to wake him up but he was in a deep sleep. Muli akong bumuntong hininga, nagsisimula ng mamoblema.

"Adam!" I tried again. Mas niyugyog ko ang kanyang balikat. Nagbabakasakali na magising s'ya.

I didn't get a response from him kaya mas lalo kong niyugyog ang balikat niya.

"GF!" halos mapatalon ako sa sofa'ng kinalalagyan nang marinig ang tawag ni Daniella.

I looked at her with wide eyes. My heart still beating a little fast because of her sudden called. Para akong nahuli sa aktong may ginagawang krimen.

"Anong ginagawa mo?" tanong n'ya nang makalapit sa sofa. I held my chest to calm myself.

"I tried to wake him up. Dito na nakatulog," I explained like I'm defending myself.

Kunot pa rin ang noo n'ya sa pagtataka habang unti-unting bumabaling kay Adamson. She stared at him for few minutes before her eyes turned to me.

"Problemado ka ngayon sa manliligaw mo?" she smirked. I rolled my eyes at her.

"Kung pwede lang iwanan 'to rito, nagawa ko na," sagot ko, medyo pataray. Mahina s'yang humalakhak.

"Ba't hindi mo iwanan," hamon niya.

Ngumisi ako, medyo inis. "E'di napagalitan ako," I said.

"Pwede naman sabihin natin kay Nanay na rito—"

"Sa tingin mo sapat na 'yon para hindi ako mapagali—"

"C'mon GF! Ang sabihin mo... concern ka rin kay Adam," aniya na may pang-aasar.

Umirap ako at umiwas ng tingin kay Daniella. "S'yempre... bisita ko rin naman 'to."

" 'Yon lang ba talaga?" She teasingly asked.

"Anong gusto mong marinig?" prangka ko sa kanya. She chuckled and shook her head at my answer.

"Wala naman..." she stopped.

I rolled my eyes again. "Kaysa asarin mo 'ko sa mga walang katotohanan... bakit hindi mo na lang ako tulungan sa isang 'to," I suggested and glanced at Adam.

Hirap na hirap kaming dalawa ni GF habang inaalalayan si Adamdson patungong kwarto. Pabagsak namin s'yang naihiga sa kama nang makarating doon.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago inayos ng higa si Adam. Nang makuntento, sabay-sabay kaming tatlong babae na lumabas ng kwarto para maka diretso na sa kwarto ko.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan dahil madaling araw na 'ko nakatulog kagabi. Ako na lang ang naiwan sa kwarto nang magising ako. I checked the time on my phone and it's already ten o'clock in the morning. I immediately went to the bathroom to take a shower.

Nang matapos, bl-in-ower ko ang buhok at naghanap na ng susuotin. I chose to wear a tied shoulder pocket patched self belt striped romper and a casual slipper. I put a lip tint and mascara to highlight my long eyelashes and hazel brown eyes.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now