AE 18

1.5K 36 3
                                    

Chapter 18

Mabilis akong nakaramdam ng kaba ngunit agad din na umiling sa sinabi niya.

Hindi. Ayoko.

His brows furrowed again in confusion.

"Ayoko Adam!" straightforward kong sagot.

His lips parted. Hindi inaasahan ang mabilis kong pagtanggi. I gave him a small smile. I sighed again before I continued my words.

"I admit... naging crush kita but that doesn't mean na papayagan na kitang manligaw," wika ko.

Mas lalong umawang ang labi n'ya. Gulat na gulat sa narinig.

"Kung totoo man 'yang sinasa—"

"I said I'm serious!" his baritone voice echoed.

"Hindi ba nag-usap na tayo?" tanong ko para ipaalala sa kanya ang naging pag-uusap namin noon sa Rodic's Diner.

He looked down. "Yeah!" it almost a whisper.

"Then why are you saying me these?" I asked again, naguguluhan na. "Nagkalinawan na tayo, hindi ba? Ang sabi mo... hindi mo 'ko lili—"

"I lied. I'm sorry!" putol na naman n'ya sa sinasabi ko. Ako naman ngayon ang umawang ang labi. "Matagal na kitang gustong ligawan, Faith." Amin n'ya dahilan para mag salubong ang kilay ko. Mas lalong nalilito at hindi naniniwala.

"Remember when we saw each other again, for the first time after the concert. Sa gym..." paalala n'ya na mas lalo kong ikinagulat.

So he remember that I am that girl. Ako iyong tinulungan n'ya.

"When Bricks told me na may kikitain akong babae, I rejected his offer. But when I heard that it was you..."

"You said you didn't know!" I fired.

"That's not true. I'm sorry! Sinabi ko lang 'yon kasi alam kong hindi ka papayag. I know that you had a lot of suitors. Alam kong hindi ka pumapayag kapag inaaya kang lumabas. Alam kong marami ka ng nareject kaya hindi agad ako umamin. Not because I'm scared but because I know you're not yet ready. Lalo pa't nalaman ko ang tungkol sa inyo ni Christian." he said leisurely.

Halos kapusin ako sa hininga sa mga sinasabi n'ya.

"Nahalata kong umiiwas ka sa tuwing magpaparamdaman ako about sa nararamdaman ko sa'yo. So when you confronted me... inisip kong hindi ka pa rin handa. Siguro mas'yado pang maaga para manligaw sayo pero habang tumatagal, habang nagkakasama tayong dalawa— Everytime I tease you, everytime I saw you, I realized na mas lalo kitang nagugustuhan. Mas lalo kong napapagtanto kung gaano kita kagustong ligawan," he explained.

"So I'm going to take a risk. Pumayag ka man o hindi, manliligaw ako!" he declared.

Napabuntong hininga 'ko. Umiling. Hindi makapaniwala.

"You're crazy!"

"Sa'yo!" he said and chuckled to lighten up the atmosphere. Nagawa n'ya pang magloko.

Gago talaga!

Umirap ako at pinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba. Nagbaba ako ng tingin, hindi malaman ang sasabihin.

"Uuwi na 'ko!" I said and turned my back against him. I stopped when I heard his voice.

"Hatid na kita!" aniya. I took a deep breath, nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Hindi na. Hindi rin naman ako papayag na manligaw ka," wika ko saka mabilis na naglakad.

Hinabol n'ya 'ko at pinilit na ihatid pero matibay ang desisyon kong umuwi mag-isa.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon