AE 23

1.5K 35 3
                                    

Chapter 23

Pagbalik ko sa loob, nakaabang agad na Daniella ang nakita ko. Kunwaring nanonood sa television ngunit mabilis na umayos nang makita ako. She raised a brow when I get closer to where she is, waiting me to speak.

"So that's what you were talking about earlier?" she started. Nakataas pa rin ang kilay.

I sat down beside her and faced her. I took a deep breath before I started to speak.

"Humingi ako ng sign," panimula ko. Her forehead creased. Naguguluhan.

"Kanina no'ng nagsimba tayo," I continued. "Last friday... hindi ba sinabi mo I should give him a chance. I need to take a risk. Then I decided na humingi ng sign kasi naguguluhan ako. There's a part of me na gusto siyang bigyan ng chance but at the same... umaatras ako. Umaayaw ako. And then... kanina iyon na. God gave me a sign that I should give him a chance," I smiled.

"I'm happy for you!" GF said softly.

"You really like Adam for me?" I asked curiously.

Her expression changed. From being soft and happy, little by little, her forehead creased. She even winced and rolled her eyes, seems like she was annoyed.

"I like him for you. Kaya ko pa kayo i-set up ng date kung hindi ko s'ya gusto para sa'yo," irap niya. "Pero tangina pizza lang... hindi pa 'ko mailibre," she pointed herself. Hindi makapaniwala.

I laughed. "Ako na lang manlilibre sa'yo ng pizza," wika ko.

"Sus! Nahuhulog ka na rin sa isang 'yon, 'no? GF ang bilis ha. 'Wag muna!" Asar niya.

I rolled my eyes playfully. "Sira! Para hindi ka na maghimutok dyan," I teased.

"But seriously GF. Never mo talaga nagustuhan si Adam?" tanong niya at mas lumapit pa sa 'kin.

I stared at her. She stared back with smirked on her lips. Nag-iwas ako ng tingin at ngumisi.

"I had a crush on him," I emphasized the word 'had'. Humalakhak s'ya at pumalakpak pa.

"Tangina..." wika niya, tawang-tawa. Umirap ako at mas lalong ngumisi, nahahawa sa tawa n'ya.

"Kaya pala gano'n ang yabang ng isang iyon. May maipagyayabang naman pala talaga," aniya.

"Tumigil ka nga. Nawala na pagka crush ko ro'n," I said, acting like I was annoyed.

"Sus. Hindi na 'yan mawawala," She laughed more.

"Manahimi—"

Hindi ko na natapos dahil mabilis kaming napatingin ni GF sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay muling ibinalik ang paningin sa pintuan.

"May bisita ka ba?" I asked her.

"Wala," agad n'yang sagot. "Baka ikaw."

"Wala rin."

Muling may kumatok sa pinto kaya naglakihan ang mata namin ni GF.

"Ikaw na magbukas," wika ko.

"Anong ako? Sabay tayo!" aniya at hinila ako. S'ya ang nagbukas ng pinto at nasa likod niya lang ako.

"Wala po kaming in-order na pizza," si GF dahilan ng mabilis kong pagbaling sa labas.

A delivery man from Yellow Cab was holding three boxes of pizza at may kung ano pa.

"To Miss Faith Garcia and Daniella Marqueza raw po," the delivery man said.

"Kanino po galing?" GF asked curiously.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now