AE 31

1.5K 38 22
                                    

Chapter 31

Am I falling for him?

I don't know.

Nagseselos nga ba ako? Hindi ko na rin alam. Pero kung hindi ito selos, ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganito?

Before Adam will finally introduce me to Coleen, my phone rang on my hand, na kanina ko pa hawak.

"Excuse me!" I said as I simply show them my phone.

Coleen nodded, lowkey saying to me to answer the call. I turned to Adam and saw his serious stare at me and his brows a bit furrowed.

I just showed him my phone and didn't say anything. I immediately turned my back against them. Hindi na hinintay pa ang magiging sagot ni Adamson.

I went outside the bar and answered Nanay's call. Matapos ang tawag, mabilis kong ibinaba iyon at nang humarap sa likod, ang nakapamulsang si Adam agad ang bumungad sa akin.

He was standing in front of me. Ang dalawang kamay, nasa magkabilang bulsa ng pantalon, ang itim at malalim na mata ay diretso ang tingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang expression ko ngayon.

"Adam," I called him, a bit surprised by his sudden presence.

He didn't speak. Seryoso lang ang kanyang tingin sa akin.

"K-kanina ka pa?" I asked.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Pinilit kong ngumiti at pasimpleng bumuntong hininga, kinokontrol ang sarili na h'wag lalong mainis dahil wala naman siyang kasalanan. Ako lang 'tong nag-o-overreact sa kanilang dalawa ni Coleen.

I sighed and looked down. Ang hirap pala ng ganito. Iyong gusto kong magalit sa kanya at awayin s'ya kung bakit sila magka-usap kanina. Kung bakit gano'n na lang kung makahawak sa kanya si Coleen, na kung ako nga ay hindi ko magawang hawakan at tawagin s'ya ng gano'n.

I bit my lower lip. Damn!

Hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit o mainis man lang sa kanya. Hindi ko kaya at hindi dapat, dahil alam ko sa sarili kong wala akong karapatan.

"Balik na tayo sa loob," wika ko at lalagpasan na sana s'ya ngunit mabilis n'ya kong napigilan.

"Faith," hinawakan n'ya ang siko ko at iniharap ako sa kanya.

"Bakit?" walang emosyon kong tanong. Pinipigilan lahat ng gusto kong sabihin.

"Are you okay?" he gently asked.

"Of course!" I answered as I try myself to give him a smile. Unti unting naningkit ang mata niya.

"No, you're not," anito na tila ba siguradong sigurado.

"I'm okay!" I assured him and held his hand who was now holding my arm.

He shook his head.

"No," aniya na tila ba mas maalam pa siya sa 'kin.

I rolled my eyes at him. I'm starting to get pissed at him.

"Kapag sinabi kong okay ako, okay ako Adamson." Medyo inis kong tugon.

"Hindi ka okay," he said firmly.

Naiinis na 'ko.

"Bakit ba pinagpipilitan mo?" I asked him.

"Because I know, you're lying," he reasoned out. Bumuntong hininga 'ko, hindi makapaniwala.

"So mas maalam ka pa sa 'kin?" I raised a brow. Hinawi ko rin ang kamay n'yang malumanay na nakahawak sa siko ko.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon