AE 36

1.4K 42 8
                                    

Chapter 36

I went to our designated seat with a smile plastered on my lips. When GF lifted her eyes on me, she gave me a meaningful yet teasing look.

Natawa ako sa reaksyon niya bago umiling at naupo. I stayed my eyes on the court, watching Adam talking to his teammates. It looks like he was giving advice and commanding them what they should do when the game starts.

Hindi pa nagsisimula ang laro at matapos n'yang kausapin ang mga kateam, tumalon talon s'ya para ikondisyon ang katawan at nagwarm-up pa ng kaunti bago tuluyang tumunog ang buzzer para sa pag-uumpisa ng laro.

Umingay ang crowd and when I looked up to see the screen above, I saw Adam face. Nag sign of the cross s'ya bago seryosong naglakad patungong gitna ng court para makipag kamayan sa kabilang team, kasabay noon ang sigawan ng mga manonood.

The game started and they are all alert. La Salle ang kalaban ng UP ngayon. Ang kapatid ko ang nasa gitna para kumuha ng bola na ihahagis ng referee. My brother was wearing a sweatband and knee support. Hindi ko kilala iyong taga La Salle na katapat ng kapatid ko.

When the referee whistled and threw the ball in the air, agad na tumalon ang kapatid ko at pinalo ang bola para makuha ng kateam niya. His teammate immediately ran to their court and threw it to their ring.

Pumalakpak ako sa unang puntos ng UP. The first quarter ended with the score 20-15. La Salle ang may score ng twenty points.

In the second quarter, nagpahinga si Adam at Charles. It also ended with La Salle ahead of five points in UP.

Sa kalagitnaan ng third quarter nagsimula ang tensyon nang mag tie ang score ng dalawang kampo. Nagtilian ang mga manonood at nang tingnan ko ang malaking screen sa taas, I saw my brother sweating while biting his lower lip. He looks attractive and hot even though his full of sweat, nakadagdag pa roon ang pagsusuot n'ya ng sweatband na tingin ko, mas ikinagwapo n'ya. Tagaktak na ang pawis ni Charles, seryoso ang hitsura habang lumalanghap ng sapat na hangin.

"Ang gwapo ng kapatid mo Ariadne," Rose said and I felt her stare.

I took my eyes off the court to look at her. Mayabang ko s'yang binalingan, may sumilay na ngisi sa aking labi bago nagkibit balikat.

"Gwapo talaga 'yan. Mana sa Ate, e," pagmamayabang ko.

"Tumigil ka nga, Ariadne!" Jeremy looked at me with disgusted eyes. Ngumiwi pa s'ya at animo'y nasusuka sa sinabi ko.

"Sadya naman!" laban ko kay Jeremy at pinandilatan s'ya ng mata kahit nangingiti naman.

"H'wag ka nga mayabang GF. Manonood ka na lang. Tikom mo 'yang bibig mo. 'Di naman sa'yo mana si Charles," Daniella said like she was annoyed at what I said.

I looked at my bestfriend with disbelief.

"Kapal ng mukha mo!" hampas ko sa braso n'yang mabilis n'ya rin na hinawakan. "Saan pa magmamana 'yon. E'di sa Ate lang!" dagdag ko.

"Aray!" ngumingiwi n'yang wika na tila ba sobrang nasaktan habang hinahaplos ang brasong hinampas ko.

I rolled my eyes playfully. Napakagaling na talaga nitong umarte. Ipag-audition ko na kaya 'to sa television, mukhang madali na 'tong matatanggap sa galing ng acting skills.

"OA mo," sagot ko.

"Masakit ha!" She said in a bitch tone. " 'Kala mo magaan ang kamay mo? Mas mabigat pa 'yang kamay mo kaysa sa'kin," she spat.

"Hoy, mas mabigat kamay mo sa akin," I fired back. She shook her head, and didn't want to accept what I said.

"Mas mabigat kamay mo sa akin GF. Tanong mo pa kina Jeremy," aniya. "Kaya ka nga niloloko ni Adam e. Buti natitiis ka no'n. Hilig mo pa naman manghampas." Halakhak n'ya, nang-asar na.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now