AE 38

1.6K 31 6
                                    

Chapter 38

Kakagising ko lang at nagdiretso agad ako ng banyo para maligo. Weekends ngayon at linggo pa kaya araw ng simba namin. Forty-five minutes ang itinagal ko sa cr para maligo.

After I took a shower, I went to our closet to find clothes to wear for this day. Hindi ako makahanap ng magandang susuotin kaya naabutan pa 'ko ni GF na hindi pa bihis at tanging towel na pink lang ang nakatapis sa katawan.

"Napakabagal mo talaga kumilos Celestine!" GF said while looking around to find clothes.

I winced and rolled my eyes. "Nakakahiya naman sayo Gianna!" I countered to annoy her.

I gave her a sweet smile when she glared at me. Ayaw niya na tinawag ko siya sa gano'ng pangalan. Napakaarte!

Ilang minuto pa kaming nagtagal para maghanap ng susuotin. I sighed and decided to wear a black hazel puff sleeves button down crop top, light blue skinny jeans and black open toe ankle strap pumps. Mabuti na lang din at nagdecide kaming sa eight o'clock mass na lang a-attend.

I was putting on a GF lip gloss when my phone rang for a call.

"Mukhang Libre?! Is that Adam?" GF asked curiously after glancing at my phone.

I stopped what I'm doing and looked at her with meaningful eyes for few minutes before I smirked. He looked at me, a bit amazed ngunit mabilis din iyon nasundan ng malakas niyang halakhak na para bang wala ng bukas. Sa lakas at tuwang-tuwa niyang tawa, nahawa tuloy ako at napangiti na rin bago sinagot ang tawag.

"Nandito na kami," bungad agad ni Adam. Maggo-good morning na sana 'ko subalit naisip kong asarin siya.

"Oh tapos? Anong gagawin ko?" mataray ang tono ko.

Mabilis kong pinanlakihan ng mata si GF para makontrol ang pagtawa niya.

"Wala, in-inform lang kita," he answered.

"Okay," I said coldly.

"Hindi ka pa bababa?" He asked.

"Hindi pa 'ko tapos mag-ayos," wika ko at nagpatuloy sa paglalagay ng lip gloss habang ang cellphone, nakapatong sa vanity table.

"Okay. Bilisin niyong dalawa. Huwag ka na mas'yadong magpaganda para sa 'kin," aniya at tumawa.

Alam kong sisimulan na naman niya 'kong asarin. Pabiro akong umirap kahit hindi niya kita.

"Asa ka naman!" sagot ko, nangingiti habang nagsusuklay na ngayon ng buhok.

"C'mon Faith. Huwag na tayo maglokohan dito," he said. I can feel that he was smiling so wide. "Boyfriend mo na 'ko. No need na para magpa-impress ka sa 'kin," mapang-asar na mayabang ang tono niya.

I let out a heavy sigh in disbelief. "Patagal nang patagal, pakapal nang pakapal 'yang mukha mo, Adamson!" I jested.

Humalakhak na siya sa kabilang linya. Tsk. Umiling ako at tinapos na ang ginagawa.

"Dalian mo na, Faith. Ang bagal mo," aniya.

"Wow. Sino kaya ang tumawag at daldal nang daldal kaya hindi ako matapos?" I asked sarcastically. Kahit tapos na naman talaga ako. Ramdam ko rin ng pagngisi niya sa kabilang linya.

"GF lumabas ka na dyan. Tara na!" Daniella shouted outside the walk-in closet.

"Wait lang!" I shouted back.

"Patayin ko na 'to. Bababa na 'ko," ani ko kay Adam sa kabilang linya. I didn't wait for his answer and immediately touched the end button of the call.

After Everything (UP Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora