AE 15

1.8K 53 5
                                    

Chapter 15

Ilang minuto akong na estatwa bago nakabawi.

"Di ka titigil?" mariin ngunit mahina kong banta kay Adam.

"What? Tayo na lang dalawa?" he asked like he didn't hear what I said. "Oo ba!" he smirked.

Nakatayo lang s'ya, naka akbay nang muli ang isang braso sa aking balikat at may mapaglarong ngisi sa labi. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng napairap. I removed his arm on my shoulder before I glared at him.

Aasarin pa n'ya sana 'ko ngunit nang napansin n'yang hindi nagbago ang masama kong tingin sa kanya, nawala ang ngisi sa kanyang labi. Naging seryoso ang mukha at tumikhim.

Adam shook his head twice before he lifted his eyes to our friends.

"Let's stop. Pikon na!" He even pointed me to our friends.

I crossed my arms and slightly kicked Adam's right leg but seems like he's not affected. Naghiyawan naman ang mga kasamahan namin dahil sa sinabi nito. I raised a brow when I saw that Jeremy is going to tease me.

"Sus, kunwari lang 'yan!" si GF kaya nagpatuloy lang sila sa pang-aasar sa amin.

Imbes na patulan at sawayin sila, hinayaan ko lang. Ganoon naman talaga 'di ba? Kapag mas lalo mong sinasaway at pinapansin, mas lalong magpapansin at hindi titigil. Mapapagod din naman sila at kusang hihinto. Kaya imbes na sayangin ko ang oras sa mga pang-aasar nila, nag-enjoy na lang ako at naki-jam sa kanta.

Madaling araw na nang natapos ang UP Fair. Nararamdaman ko na rin ang pagod lalo na ang sakit sa paa dala ng suot kong heels. Nagsisimula ng mag-aalisan ang mga tao kaya naghanda na rin kami.

Mabuti na lang at walang pasok mamaya. Kanina pa nakauwi si Charles at isang oras lang ata ang itinagal noon dito at nagpasyang umuwi na ulit. Kaya sa mag jowa ulit ako sasabay.

"Maglalakad na lang ako. Marami naman naglalakad," wika ni Jeremy. Dito lang din kasi s'ya sa loob ng UP nagdodorm.

"Hatid ka na namin!" si GF. "Iniwanan ka ni Rose," she added.

"Kapag may jowa na talaga... nang-iiwan na," wika ko.

Lima na lang kaming natitira ngayon. Ako, si Jeremy, si GF at ang magpinsan na si Bricks at Adam.

"May pinaparinggan ka 'te?" si Jeremy at kinalabit pa 'ko.

"Tumigil ka nga dyan, GF!" agad na saway ni Daniella. "Iniwanan ba kita?" depensa agad n'ya.

"Bakit? Natamaan ka?" tanong ko at nangingiti na.

"Hindi!" irap niya.

"Oh! Wala bang sabunutan dyan?" si Jeremy na para bang nag-aantay ng away. I turned to him..

"Gusto mo ikaw sabunutan ko?" I asked back and arched a brow.

"Galit na galit?" anito at tumawa.

"Sumabay ka na!" tanging nasabi ko at hinila na s'ya kung saan nagpark ng sasakyan si Brickson.

Nang makarating kami, nakasakay na sa front seat si GF. Bricks was already on the driver seat and I was shocked when I saw Adam sitting on the backseat.

Wala ba 'tong dalang sasakyan?

Paniguradong wala. Hindi naman 'yan mangungunang maupo roon at kumportable pang nakasandal ang likod sa backrest ng upuan kung may dala 'yan.

"Wala kayong balak sumakay na dalawa?" si GF na nakadungaw sa bintana ng front seat.

Bukas ang pinto at bintana ng backseat kaya kita ko ang pagbaling ng tingin noong magpinsan sa aming dalawa ni Jeremy.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon