AE 12

1.6K 42 0
                                    

Chapter 12

My brother became the Rookie of the year. Adam also became the MVP and Bricks, he was one of the mythical five.

Nabuhay rin ang balitang nagkabalikan si Adam at Coleen matapos ang eksena nila noong Finals game. Parehas tikom ang dalawa sa social media pagdating sa usapan na iyon at hindi ko alam kung bakit pati ako, nadadamay.

Natigil ako sa pagkuha ng pagkain nang biglang maglagay si Adam ng shanghai sa plato ko. I glanced at him and immediately looked away.

"Thanks!" simpleng sagot ko at hindi na s'ya pinansin.

Naupo ako sa table namin. Nasa isang restaurant kami na ipina-reserve ni Bricks for his 21st birthday at celebration na rin ng pagkapanalo nila.

"Magkaaway kayo ni Adam?" si GF matapos maupo sa tabi ko. I turned to her.

"Hindi," I answered and continued eating my food.

"Bakit sabi... galit ka raw sa kanya," she said casually.

I swallowed the food in my mouth before I faced her. "Sinong may sabi?" tanong ko at uminom ng tubig sa baso ko.

"S'ya!" sagot n'ya at kumuha ng shanghai sa plato ko. "So... galit ka nga ba?" tanong n'yang muli at kumagat sa shanghai na hawak.

"No, I'm not!" tanggi ko.

Tumango lang siya at hindi na 'ko kinulit. Naging busy rin kasi ito dahil sa mga taong kakilala n'ya at sa iba pang kaibigan nila ni Brickson.

Some people went to me, asking for a picture. Pagkatapos noon ay tahimik na ulit ako sa table namin.

"Hey!"

Napabaling ako sa taong umupo sa tabi ko. I looked at him and nod.

"Are you mad at me?" he asked. Maybe, he noticed that I don't have a plan to talk to him.

"Hello!" Adam said again to get my attention. He placed his elbow on the table and tilted his head a bit to see me. "Pst!" he poked my shoulder.

"What?" I asked, a bit annoyed.

"Ba't ka galit?" he asked back.

"Hindi ako galit," tanggi ko.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong muli n'ya.

"Kailangan ba lagi kitang kakausapin sa tuwing nakikita kita?" I raised a brow.

"Oo," he answered immediately.

"Hindi." Pagtatama ko.

"Bakit mo 'ko iniiwasan?" tanong na naman n'ya. Ang kulit ha!

"Hindi kita iniiwasan," tuluyan na akong humarap sa kanya.

I saw a ghost of a smile on the corner of his lips. "Talaga? Bakit nga hindi mo 'ko kinakausap?"

Ang kulit talaga!

"Tsk! Para kang bata," wika ko at bahagyang hinawakan ang sentido.

"Baka kaya ng gumawa ng bata..." he said and chuckled. Mabilis ko siyang hinampas at mabilis din s'yang nagreklamo.

"Ang bastos mo!" wika ko.

"Mas bastos ka. Kinakausap kita tapos hindi mo ako kinakausap," he fired back.

Umirap ako at tumayo na lang para mag restroom. Iniwan ko siya roon.

Pagpasok ng cr, isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi naman ako naiihi or what, nagpunta lang talaga 'ko rito para makawala kay Adam.

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now