AE 41

1.5K 26 5
                                    

Chapter 41

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti

Ngumiti ako habang nakikinig sa kanta.

“One, two, three… c’mon UP!” the singer said.

Lumakas ang sigawan ng mga tao lalo na nang magsimulang tugtugin ang chorus.

“Torete, torete, torete ako…” dinama ko iyon habang sumasabay sa pagkanta.

“Torete, torete, torete sayo…” Adam said, the reason why my eyes went to him. He was singing the chorus while smiling. His eyes were looking at me like I’m the only one he sees. 

Ngumiti ako at muling ipinukol ang tingin sa unahan. Umihip ang panggabing hangin kaya bahagya akong kinilabutan sa lamig.

“I told you! Sabi sa’yong magdala ka ng jacket,” si Adam na para bang pinapangaralan ako pero kasabay noon ang mainit na bagay na yumakap sa aking balikat. I looked at my shoulder and saw his denim jacket.

I smiled at him cutely.

“Tigas ng ulo mo!” wika niya na para bang iritado ngunit hindi kayang tuluyang magalit sa akin.

Ngumisi ako at hindi na pinansin ang sinabi niya at nakisali muli sa kantahan. Nakaakbay na ako kay Kendra at GF habang kumakanta.

“Mahal kita pero ‘di mo lang alam…” kanta ko at nakangiting napatingin kay Kendra. She smiled back.

Tumalon-talon pa kami para mas ma-enjoy ang kanta. Hindi nga lang ako makatalon ng ayos at nadadala lang noong dalawa dahil sa heels na suot. Nagtawanan kaming tatlo pagkatapos ng kanta.

“Adam!” saway ko nang maramdaman ang yakap niya mula sa likod.

“I feel cold!” he said.

“Kunin mo na ‘tong jacket mo,” ani ko dahil medyo pinagpawisan sa pagsasayang ginawa.

“No. Okay na ako rito,” aniya at mas lalong humigpit ang yakap sa ‘kin.

Patagilid ko siyang tiningnan at hinayaan na lang. He was resting his face on my shoulder. Thanks God nakaheels ako kaya tumugma ng kaunti ang height ko sa kanya. I don’t know what his height but I think he’s 6’5 or more.

“What’s your height?” I asked curiously.

“Why? Matangkad ka naman, ah.” Nahihimigan ko ang panunuya sa tono niya.

“I’m just curious,” I shrugged.

"Hmm..." mas lalo niyang isiniksik ang mukha sa balikat ko. "Six…” he said lazily.

“Six?” hindi kuntento sa sagot niya.

Now, he chuckled. “Why are you so curious?” ramdam ko ang tingin niya.

“Wala. Bigla ko lang naisip.” Paliwanag ko. “Sasabihin lang ang dami pang tanong.”

“6’7… 6’8? I’m not sure…” he answered and renewed his hug.

What?

“6’8,” I echoed in surprise. Humalakhak lang siya at mas hinigpitan ang yakap.

“Si Kuya chansing!” I heard Kendra.

Mabilis akong napatingin sa kanya. Mabilis din ang naging pagkalas ni Adam sa akin at agad na lumapit sa kapatid.

“Ah… Kuya!” Kendra groaned irritatedly.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon