AE 28

1.4K 32 2
                                    

Chapter 28

Tinampal ko ang kamay niya at mas lalong sumimangot.

"Mukha ba 'kong tuta?" angil ko.

Mas lalo siyang tumawa. Sa inis, I hit his stomach. He moved backwards, but he didn't remove his arm on my shoulder. Isa pang pisil sa ilong ko ang ginawa niya.

"Adam!" I warned him.

Hindi ko man kita ngunit sigurado akong namumula na ang ilong ko sa pagpisil niya. Kainis!

Lumapit sa'min si Kendra kaya nawala ang atensyon ko kay Adamson. Ipinakita niya ang pictures namin na puro epic.

Wala man lang matino roon. O para sa akin, walang matino. It looks like a candid. Nakaakbay si Adam sa akin, may ngiti sa labi. Bahagya naman akong nakatingala at nakasimagot habang tinitingnan s'ya. Mayroon pang naakbay din s'ya, tumatawa at ang isang kamay, nakapisil sa ilong ko. Tuwang-tuwa s'ya samantalang ako'y inis na.

"Isa pa, Kendra!" si Adam. I rolled my eyes and Kendra smirked.

"Ayusin n'yo," she said and moved backwards to take a picture of me and Adam.

Adam renewed his hold on my shoulder. Isang hakbang ang ginawa ko para mas mapalapit sa kanya.

I smiled at the camera of Kendra's phone. Ilang take pa ang ginawa ni Kendra bago muling lumapit para ipakita sa amin.

I smiled when I saw the pictures. Ayos na!

After the game, nagdinner kami kasama ang pamilya ni Adam at Brickson.

In the finals game, it is sad to say that Ateneo won against UP.

"Okay lang 'yan," I said as I smiled to comfort him and tapped his shoulder lightly.

He sighed.

"Yeah!" He said and smiled at me but it didn't reach his ear.

I smiled more and pulled him. Hindi na 'ko nagdalawang isip at niyakap na s'ya. I think he needs a hug. He needs comfort.

Nakakalungkot. Oo. But we need to accept that. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, laging panalo.

What's important is, they did their best. Hindi man sila nanalo pero at least, nag-enjoy sila sa laro. That would also be a challenge for them in the next season to improve their skills and ability. To practice more. Maybe, this season is not for them.

I sat down beside Adam. He's here again in our condo. Ginawa na nilang tambayan ni Brickson 'tong unit namin.

"Nagcha-chat pa rin sa'yo si Christian?" he asked casually.

I put the pillow on my thigh before I faced him. Tumango ako. He nodded too and I saw how his brows furrowed.

"Kailan pa?"

I shrugged.

"After the pageant? I don't know..." I answered, not interested in the topic.

"Why didn't you tell me?" Now, he looks serious while asking me. I stared at him, confused why he acted like that.

"At bakit ko sasabihin sa'yo?" nagsalubong ang kilay ko.

His brows furrowed more, he looked annoyed.

"Para alam ko. Ano? Nakikipag balikan sa'yo? Nanliligaw ulit?" iritado n'yang tanong.

"Anong bang sinasabi mo?" hindi ko alam bakit s'ya nagkakaganyan.

He shifted his weight and groaned. He looks frustrated.

"Pumuporma ulit sayo?" he asked.

"Pumuporma. Sino?" lito kong tanong.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon