AE 21

1.4K 33 7
                                    

Chapter 21

"Thank you!" sagot ko makalipas ang ilang minuto.

Nanatili ako roon na nakatayo habang kinakalma ang sarili sa naging pagsabog ko. I wiped using my hands the unshed tears on my cheeks.

I took a deep breath at hindi makatingin kay Adam dahil sa kahihiyan samantalang siya'y ramdam ko ang tingin sa akin.

"Do you want to play?" he asked. Maybe to lighten up the atmosphere after a few moments. 

Tipid akong ngumiti at nakaramdam ng hiya. My eyes were still on the floor. Hindi magawang tumunghay dahil sa hiyang nararamdaman. Anong bang naisip ko't sinabi ko pa iyon sa kanya? But I think, there's nothing wrong sa sinabi ko. At least... at some point, pakiramdam ko nagkalinawan na kaming dalawa.

"Let's play," Adam encouraged me.

Umiling ako at muling nagpakawala ng mahinang buntong hininga.

"Hindi na," wika ko at tumingin sa kanya.

His forehead creased a bit, bahagyang tinagilid ang ulo at tinitigan ako na para bang pinag-aaralan ang expression ko.

I gave him a small smile. "Uuwi na 'ko!"

Umayos s'ya ng tayo at bahagyang nataranta sa sinabi ko.

"Ihahatid kita!" wika niya habang ibinabalik ang bola at kinukuha ang bag sa may bleacher.

"H'wag na," pigil ko sa kanya. He stopped in front of me. Nakasabit na ang bag sa balikat.

"Ihahatid kita!" he declared and held my hand to pull me outside.

Hindi na 'ko nakipagtalo at hinayaan s'yang ihatid ako.

"Adam," tawag ko bago tuluyang makalabas ng sasakyan niya.

He looked at me with his poker face. I smiled a bit and slightly looked down.

"Uhm..." hindi ako makahanap ng tamang salita. "I-I'm sorry... kung nag-intay ka kanina," I bit my lower lip as I pinched my hand.

He gave me a small smile. "Ayos lang. I understand," he assured me. "Pasensya na rin kung na-pressure kita," mahina n'yang wika. 

Nakahinga ako nang maluwag at mas lalong ngumiti sa kanya.

"Thank you. Ingat ka!" ani ko at bahagyang lumayo para bigyan ng espasyo ang sasakyan niya sa pag-andar.

Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin umandar ang sasakyan n'ya. Lumapit akong muli. Nakaabang na s'ya nang tumingin ako sa kanya.

"Akyat ka na!" bungad niya.

I immediately understood what he wanted to convey. I nodded and smiled at him again.

"Bye!" wika ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Agad akong nagtungo sa elevator para makaakyat na sa unit namin.

Nang makapasok sa condo, agad kong nakita si GF. Naroon pa rin sa sala at nanonood ng Netflix. Gulat pa s'ya nang makita ako.

"Ba't ambilis mo?" she asked.

My brows furrowed. "Bakit? Gaano ba katagal ang sa tingin mo?" I asked back.

"Hindi kayo nag date?" tanong n'ya.

My brows furrowed more. Tuluyang naupo sa sofa at bumaling sa kanya.

"Bakit kami magde-date?" I asked curiously.

"Hindi mo binigyan ng chance?" she said like she realized something.

Tinitigan ko s'ya na para bang inaalam ang iniisip n'ya. After few seconds, I took my eyes off her.

"Hindi pa!" mahina kong sagot.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon