AE 1

3K 74 49
                                    

Chapter 1

Pagkababa ng sasakyan, inayos ko kaagad ang aking damit. I was wearing a maroon longsleeve sweater, light blue hight waist jeans and white sneakers just to give support to my school, UP. 

Isinabit ko sa kaliwang balikat ang maliit na sling bag na dala. I check my face on the side mirror of the car. Bahagya kong inayos ang pagkakasuot ng round eyeglasses ko. Inayos ko rin ang buhok kong naka-messy bun. 

Naglagay akong polbo at liptint dahil hindi naman ako pala makeup. Minsan nga, pumapasok ako ng school na walang kaayos-ayos. Lalo na s'yempre kapag malapit ng malate. Saka lang talaga ako naglalagay ng makeup kapag may importanteng okasyon at pupuntahan. 

"Thanks," wika ko nang iabot sa in ni Daniella iyong drinks na binili namin sa Starbucks. Muntikan ko nang maiwanan sa loob ng kotse iyon.

She just rolled her eyes. 

Attitude!  

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. She's wearing a white sneakers, black high waist jeans and maroon shirt na naka tucked-in ang unahan. May print din itong 'FIGHTING MAROON'. Hindi ko nga alam kung kanya ba 'yan at binili niya o kay Bricks. Medyo malaki kasi sa kanya ng kaunti kaya nakatupi ng ilang beses ang manggas nito. 

Well... kanya man o hindi, magaling naman s'yang magdala ng damit kaya ayos lang. Inayos niya rin ang buhok n'yang naka fishtail braid na nasa right shoulder niya. 

Papasok kami at palapit nang palapit sa loob ng Arena, unti-unti ko nang naririnig ang kalampagan at ingay ng mga manonood. Habang tumatagal, mas lumalakas iyon. 

"Dalian mo, GF!" excited na wika ni Dani at mas hinila ako. 

Nang tuluyan ng makapasok, halos mabingi ako sa lakas ng sigawan. Marami agad ang nakapansin sa pagdating namin to the point na narinig ko pa ang pangalan ko at ni GF na ina-announce ng nagho-host at sinasabing spotted kami. 

Hindi ko na nga lang naiintindihan ang kabuuan dahil marami agad ang tumatawag at lumalapit sa 'kin. 

I smiled and waved to everyone, habang nakikipag-picture-an sa iba. 

"Hi, it's nice to finally meet you," aniya ng isang ginang na kilala ni Daniella. 

"Hello po!" ganting bati ko at nakipagkamay pa.

Sa huli, nakaramdam ako ng hiya nang malaman na isa siya sa mga opisyales sa UP. Sa dami naman kasi ng may katungkulan sa UP, hindi ko naman makikilala lahat-lahat lalo pa at hindi ko pa naman nakikita. 

Kahit na sabihing ilang taon na 'kong nasa UP, hindi naman ako pala-gala at wala na ring organization na sinasalihan. Unlike ni Daniella na part ng Lady Maroon kaya given na mas marami s'yang kakilala kaysa sa akin.

Ako, kaya lang siguro may nakakilala sa akin ay dahil baka napapanood nila ang videos ko sa YouTube. I'm a YouTuber and a vlogger since I was sixteen and so much has changed in my life since then.

"I'm a fan of yours!" maiyak-iyak na sabi ni Jesy, one of the volleyball players of Lady Maroon. 

"Hala! Thank you!" gulat at overwhelmed kong sabi bago ngumiti sa camera para makipagpicture sa kanya. 

Pinakilala pa 'ko ni GF sa mga kakilala niya. Nakaramdam ako ng sobrang hiya dahil halos lahat, nakatingin sa akin. Sa daming taong nandito at manonood, bakit sa akin sila naka-focus? I even saw myself on the screen above, na mas lalong nakadagdag sa nararamdaman kong hiya. 

Bumaba na 'ko ng hagdan sa gilid ng court dahil hindi pala kami roon nakapwesto. Napunta lang doon dahil sumusunod ako kay GF at maraming kumakausap sa akin sa pwestong iyon. 

After Everything (UP Series #1)Where stories live. Discover now