AE 16

1.6K 37 4
                                    

Chapter 16

I was shocked by what he said. I don't know if he was just teasing me but my heart pounded for some inexplicable reason. Sa lahat ng pang-aasar ni Adam sa 'kin, first time ko iyong narinig at hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging impact sa'kin.

Dahil ba dati ko siyang crush? Gano'n ba 'yon?

Hindi ko alam.

If Adam did not pull me away from there, I might have stayed there like a standing statue.

He decided that we should eat first before we continue finding a gift for his mother. Pumasok kami sa isang store ng pizza at agad kong nakalimutan ang iniisip at nakaramdam ng gutom.

Hindi naman mas'yadong maraming tao ngunit dahil sa tangkad ni Adam, may ibang napatingin sa amin. Mabuti na lang at nakasuot pa rin ako ng baseball cap.

Pum'westo kami sa table na pang-apatan na nasa gilid. May crew na lumapit sa amin at hinayaan kong si Adam ang mag-order. Matapos makuha ang order, mabilis din kaming iniwan ni Ate'ng crew. My brows furrowed when I noticed that Adam was staring at me.

"Ano?" hindi ko inaasahan na magiging pasuplada ang tono ko.

He shook his head, still staring at me. Minutes passed when a smile flashed on his lips. Halos umirap ako sa reaksyon na ipinakita n'ya. 

"Bakit ba nakatitig ka?" hindi ko na napigilang itanong iyon dahil naiilang na 'ko!

"Nothing!" he answered but his eyes are still looking at me. 

Ano bang trip nito?

"Ano bang trip mo?" tanong kong muli, may paghahamon sa boses dahil hindi na kinaya ang paninitig n'ya.

He shifted his weight and he leaned his back on the backrest of his seat. Nakahinga ako ng maluwang nang biglang dumating ang mga in-order n'ya. My eyes twinkled in excitement when I saw the pizza, nachos and fries. May dalawang lemonade rin na inumin, tig-isa kami ni Adamson.

I removed the baseball cap on my head and put it on the chair beside me. I combed my hair using my hand and I just stopped when I saw that Adam's eyes were looking at me again.

"What?" I asked, a bit conscious that he was staring at me again. Kanina pa!

He smirked and shook his head. Sinimulan n'yang ayusin ang pagkain na nasa lamesa.

"Kanina ka pa titig nang titig," wika ko habang tinutulungan s'yang mag-ayos ng pagkain.

"Ganda mo kasi!" hindi ko alam kung asar iyon o compliment.

Natigil ako sa pag-aayos, hindi inaasahan ang sinabi n'ya. I felt all my blood went up. He chuckled reason why I felt more embarrass. I looked away, at inabala ang sarili sa pag-aayos ng pagkain.

"You're blushing!" he declared and chuckled more.

Gusto ko siyang batuhin ng kahit na anong gamit na mahawakan ko pero hindi ko ginawa. Hindi naman ako ganoon. Bakit ba kasi ang hilig-hilig niyang mang-asar lalo? Hindi na lang s'ya manahimik at kumain.

"I'm not!" tanggi ko. "Kumain ka na lang," I gave him a fake smile.

"Mauna ka na!" sagot n'ya ngunit may mapaglarong ngiti sa labi.

Umirap ako at mabilis na kumuha ng pizza at kinagatan iyon. Kumuha na rin siya kaya natahimik kaming dalawa. Nakaramdam ako ng awkward at mabilis na nag-isip ng pwedeng maging conversation.

Damn! Hindi ako magaling makipag-usap. Hindi ako magaling gumawa ng convo. Kaya hindi ko alam paano siya kakausapin para hindi maging awkward. Bago pa 'ko makapag-isip ng pwedeng i-topic, naunahan na n'ya 'ko.

After Everything (UP Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें